SA JUNE 28 NA! Erich Gonzales bagong mukha ng karma sa ‘La Vida Lena’

MISS MO na ba si Erich Gonzales? Matagal-tagal na rin itong hindi napapanood sa isang teleserye. Kung tama ang aming pagkakaalala, almost three years na rin ang nagdaan nang ipalabas ang final episode ng The Blood Sisters kung saan gumanap ito ng triplets role na magkakaiba ang mga personalidad.

SA JUNE 28 NA! Erich Gonzales bagong mukha ng karma sa ‘La Vida Lena’
La Vida Lena

Erich Gonzales is back as a teleserye princess with ‘La Vida Lena’. Sa katunayan, ipinalabas na ito sa IWantTFC late last year. Simula sa June 28 ay mas mapapanood na ito ng nakararami sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page.

Kung miss niyo na ang mga typical classic series na may Mexicanovela vibes, siguradong maiibigan ninyo ang kuwento ni Magda, isang mabait na dalaga na ipinanganak na may balat sa mukha. Kahit na siya ay palaging inaasar at inaapi ng mga tao sa paligid niya ay nanatili itong palaban at optimistic sa buhay. May munting negosyo din itong binuo. Maiinlab ito sa isang mayamang lalaki (Kit Thompson) na may ibang pakay. Dahil sa mga sakunang mapagdadaanan nito ay makukulong si Magda.

Sa kanyang paglabas ay maiiba na ang kanyang kapalaran. Sasailalim ito sa isang plastic surgery at magbabagong-anyo bilang si Lena, na maghihiganti sa pamilyang sumira sa kanyang buhay. May tatlong lalaki din na nakaabang na makuha ang kanyang matamis na oo.

Aliw, ‘diba? Aminin niyo – miss niyo na rin ang mga ganitong tipo ng teleserye!

Kasama ni Erich Gonzales sa La Vida Lena sina Carlo Aquino, JC de Vera at Kit Thompson. Janice de Belen, agot Isidro, Raymond Bagatsing, Sofia Andres, Pen Medina, Christian Vasquez, Soliman Cruz at Malou Crisologo completes the cast.