Sa isyung Manny Pacquiao – Krista Ranillo: Ara Mina, mas nagseselos kaysa kay Jinkee Pacquiao?! – Morly Alinio

Sa isyung Manny Pacquiao - Krista Ranillo: Ara Mina, mas nagseselos kaysa kay Jinkee Pacquiao?! - Morly Alinio

Sa isyung Manny Pacquiao - Krista Ranillo: Ara Mina, mas nagseselos kaysa kay Jinkee Pacquiao?! - Morly AlinioNAKALOLOKA AS IN nakababaliw naman ang eksenang ito: Mga bida: isang maganda at seksing TV host actress at dalawang guwapong aktor.

Ganito ang eksena: Ito raw si maganda at seksing TV host at ang boyfriend niyang guwapong aktor ay may date. Magkikita sila somewhere in Makati, pero nu’ng oras na nang pagkikita ay hindi nakasipot si aktor dahil may sakit daw ito na dagli namang inunawa ng aktres na may magandang tinig.

Awang-awa pa raw si aktres sa boyfriend kaya pinagpayuhan nitong magpahinga na lang at siya naman dahil hindi nga natuloy ang kanilang pagde-date ay pupunta na lang ito sa isang friend, tutal naman daw ay miss na niya ang isang non-showbiz friend.

Ang sumunod na eksena, dahil mahal ni magandang aktres si guwapitong maputing aktor ay binalak nitong sorpresahin ito. Plano ng dalaga na puntahan sa bahay at dalawin pero mas nasorporesa at naloka siya dahil may nauna na sa kanya sa pagdalaw sa kanyang boyfriend – ang karibal niyang aktor na noon pa pinagdududahan ang gender.

Naloka as in nabaliw sa mother earth si magandang aktres dahil huli niyang sweet ang dalawang aktor na noon pa pinaghihinalaang may relasyon.

“’Day hindi alam ni aktres kung matutuwa o magugulat siya o kung ano dahil nauna pa sa kanyang dumating ‘yung aktor na matagal na niyang pinagseselosan.”
Kaya ang ending, iiling-iling daw na umalis ng bahay si magandang aktres. Noon niya talagang na-confirm na ang kanyang boyfriend at ang guwapong aktor ay totoong may relasyon.

ITINANGGI NI JINKEE Pacquiao na susugurin niya si Krista Ranillo sa Las Vegas. Ayon sa may bahay ni Manny Pacquiao, hindi raw siya magpapaka-cheap para patulan ang mga bagay na wala namang maitutulong sa kanya at sa kanilang pamilya. “Ang pagpunta ko sa Las Vegas ay para sa laban ng asawa ko at hindi para kung kaninong tao.” Iyon ang pahayag ni Jinky matapos na itanong sa kanya kung totoong balak niyang kumprontahin si Krista.

Kung paniniwalaan kasi ang balita bago pa raw umalis ng bansa si Manny, lihim umanong nakikipagkita ito sa dalagang anak ni Matt Ranillo III. “Kahit anong gawin niya hindi niya matatangging totoo ang tsismis dahil marami ang nakakakita sa kanila, ‘no!” Mataray na sabi iyon ng aming source.

Ayon pa rin sa aming source, hindi naman daw konsintidor na ama si Matt pero sa totoo lang ay wala itong kaalam-alam sa ginagawang pakikipag-ugnayan ng anak kay Pacman.”Sa pagkakaalam ko ang lahat ng pamilya nina Matt ay nasa Amerika dahil dahil dating US ambasador ang daddy ni Matt. Pero sa totoo, magaling tumeknik si Krista, mahusay itong gumawa ng eksena nang hindi namamalayan ng ama. Kaya malaki ang paniniwala kong meron talaga silang something ni Manny,” pagdidiin pa ng aming kausap.

Sakabilang banda, nakahinga na nang maluwag si Ara Mina dahil “lusot” na siya ngayon sa isyu nila ni Manny, dahil kung matatandaan sa tuwing magkakaroon ng laban si Manny, lagi na lang nadadawit ang kanyang pangalan.”’Yun ang akala ninyo dahil sa totoo lang, kung nagseselos si Jinkee ay mas selos na selos ngayon si Ara kay Krista,” tumatawang pagtatapos ng aming kausap.

More Luck
by Morly Alinio