Sa isyu ng two-timing
Dingdong Dantes, ipagdarasal na lang sila Karylle at Vice Ganda

<i>Sa isyu ng two-timing</i><br> Dingdong Dantes, ipagdarasal na lang sila Karylle at Vice Ganda

Dingdong-DantesSA SUSUNOD na linggo ay magsisimula na ang bagong drama series ni Dingdong Dantes na Pari Koy.

Excited siya rito dahil first time pala niyang gumanap bilang pari. Kaya malaking challenge daw ito sa kanya.

Ito ang first drama series ni Dingdong bilang may asawa na, kaya curious ang karamihan kung paano siya tanggapin ng publiko pagkatapos nilang magpakasal ni Marian Rivera.

First time din na gumawa ni Dingdong ng drama series na walang leading lady. Siyempre, wala namang leading lady ang pari, ‘no!

Kaya abangan natin ito sa Lunes sa GMA Telebabad. Ito ang ipapalit sa timeslot ng magtatapos na More Than Words.

Sa presscon pala nitong Pari Koy, hindi maiwasang itanong kay Dingdong ang tungkol sa parinig daw nina Karylle at Vice Ganda sa isyung two-timing.

Tinanong na ‘nyan si Marian sa press launch ng bagong scent ng Bench na Inner Beauty, pero hindi siya nagkomento dahil wala naman daw binanggit na pangalan. Ang hirap nga namang mag-react kung hindi naman siya ang tinutukoy.

Kaya hindi na rin nag-react si Dingdong sa presscon ng Pari Koy kahit kinulit-kulit ito ng mga reporters.

Ang sabi lang ni Dingdong, ayaw na niyang magkomento dahil wala namang sinasabing siya ‘yun.

Sabi na lang ni Dingdong, “Ipagdasal ko na lang sila.”

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis