Sa isyu ng pagkakalabuan daw nila ni Angelica Panganiban
John Lloyd Cruz, asar na sa iresponsableng media!

ADVERTISING

<i>Sa isyu ng pagkakalabuan daw nila ni Angelica Panganiban</i><br>John Lloyd Cruz, asar na sa iresponsableng media!

<i>Sa isyu ng pagkakalabuan daw nila ni Angelica Panganiban</i><br>John Lloyd Cruz, asar na sa iresponsableng media!‘DI ITINAGO ni John Lloyd Cruz na nao-offend siya sa ‘di mamatay-matay na issue na nagkakalabuan sila ng girlfriend na si Angelica Panganiban.

Ayon sa aktor, malaki ang kontribusyon ng media na pinaniniwalaan niyang nagpapasimula at nagpapalaki ng ganitong mga balita tungkol sa kanila. Na minsan ay pinagtatakhan niya kung saan ang pinanggagalingan.

Siniguro ng aktor na wala silang problema ng kasintahan, na maayos ang kanilang relasyon. Kung kaya’t nagtataka nga siya na tuwing i-interbyuhin sila ay lagi silang tinatanong kung okay ba sila o okay ba siya, na parang ang dating ay mas alam pa ng iba na may pinagdaraanan sila gayong wala naman.

<i>Sa isyu ng pagkakalabuan daw nila ni Angelica Panganiban</i><br>John Lloyd Cruz, asar na sa iresponsableng media!Ang inaaala ng aktor ay ang pamilya nila ni Angelica, mga tagahanga, kamag-anak at mga kaibigan sa ibang bansa na nag-aalala sa tuwing may isyu na lumalabas sa kanila.

ADVERTISING

Para kay John Lloyd, sana maging responsable ang mga manunulat na sumulat ng tama, balance at hindi ang walang basehan lalo’t marami sa mga mambabasa, lalo na sa mga tabloid, ang naniniwala sa kung ano talaga ang nababasa nila.

Ilang ulit sinabing maayos at masaya sila sa kanilang relasyon. Patunay nito ay ang birthday celebration na Ihinanda ni Angelica para sa boyfriend, kung saan imbitado ang lahat ng pamilya at malalapit na tao kay John Lloyd.

 

KUNG TOTOO ang lumabas na balita na nag-resign na sa programang Face to Face si Amy Perez at mapapanood na lang ito sa darating pang isang buwan, tiyak na marami sa mga tagahanga ng nasabing programa ang malulungkot. Lalo’t naging parte ng buhay nila hindi lang ang reality tabloid talk show kundi ang tinuturing nilang T’yang Amy sa loob ng ilang taon.

Minsang nawala ang TV host sa programa nang magbuntis ito at manganak sa huli niyang supling, kung saan pinalitan siya pansamantala ni Gelli de Belen. Nagbalik programa si Amy at mainit namang tinanggap siyang muli ng publiko.

Ayon sa balita, nagpaalam na si Amy sa pamunuan ng TV5. Ang dahilan ng TV host, gusto naman niyang pahalagahan ang mga taong totoong nagpapahalaga sa kanya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING