Sa isyu ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz Shaina Magdayao, nilinis ang pangalan ni Angelica Panganiban

ADVERTISING

Sa isyu ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz Shaina Magdayao, nilinis ang pangalan ni Angelica Panganiban

Sa isyu ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz Shaina Magdayao, nilinis ang pangalan ni Angelica Panganiban NAKALULUNGKOT ANG nangyari sa pagitan ng da-ting magkarelasyong sina Andi Eigenmann at Albie Casiño. Na nitong huling magkita sila sa isang bar sa Makati, nauwi pa sa bastusan ang kanilang mga naging kilos. Binuhusan umano ni Andi ng alak si Albie, at nang umiwas na lang ang young actor, sinundan naman siya ng mga kasama ni Andi at sinaktan pa sa pamamagitan ng pamamalo ng bote sa kanyang ulo.

Hindi pa rin talaga mawala ang galit sa puso ni Andi. Marami na nga ang nagsisimpatiya sa kanya nu’ng magbuntis siya at manganak, pero sa kanyang mga pananalita pagkatapos niyang maisilang ang kanyang baby ay parang hindi totoo na iyon ang bagong nagbibigay sa kanya ng saya at malaking inspirasyon sa buhay. Kasi, lagi pa rin naman siyang nagbibigay ng pahapyaw na salita ng panunumbat sa sinasabi niyang lala-king tumalikod sa kanya at sa kanyang anak.

Mga bata pa sila. Mahaba pa ang kuwentong puwedeng mangyari at muling mag-ugnay kina Andi at Albie para kung sa bandang huli, maging maayos pa rin ang lahat. Mas mapupuri namin si Albie, at hindi namin siya kayang husgahan kung may pagkukulang man siya kay Andi. Consistent si Albie at ang kanyang Mommy sa pag-iwas sa tuwing hinihingan namin siya ng mga pahayag tungkol sa mga patutsada ng kampo ni Andi. Ipinararating namin lagi kay katotong Ador Saluta ang mensahe para sa mommy ni Albie, at lagi silang marespetong tumatanggi na magsalita, bagkus ay pasasalamat ang kanilang ipinararating sa mga gustong humingi ng kanilang panig.

 

ADVERTISING

HANGGANG NGAYON, talagang bilib kami kay Shaina Magdayao, dahil mula sa kanyang pagkabata nu’ng lagi kaming pumapasyal sa kanilang house nu’ng kasikatan ni Vina Morales sa That’s Entertainment ay mabait siyang talaga.  Ngayong nagdalaga na siya at sikat na sikat ay wala pa ring nagbago sa kanyang ugali. Sumasaludo tayo sa ginawa niyang paglalabas ng pangalan ni Angelica Panganiban sa isyu ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz.

Malaking kabawasan ang ginawa ni Shaina para malinis kahit papaano ang pangalan ni Angelica sa napakapangit na balitang kumakalat nga-yon sa buong showbiz, na diumano’y ang dahilan ng kanilang hiwalayan, dahil natukso si Lloydie kay Panganiban. Ang sagwa ng mga salitang kakambal ng isyu kapag binanggit sina JLC at Angelica, dahil ang sinasabi nila ay “nagkatikiman” daw, dahil magkasama sila sa isang project.

Sa isyu ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz Shaina Magdayao, nilinis ang pangalan ni Angelica Panganiban

Medyo hindi okey ngayon sina Angelica at Derek Ramsay, na pagkatapos ng ilang taon ng kanilang relasyon na halos kasal na lang ang kulang, hayan nga’t mayroon silang problemang pinagdaraanan. May posibilidad pa naman daw iyon na maayos, lalo pa’t ipinagtatanggol ni Derek si Angelica sa mga maling bintang sa kanya. Kung may katotohanan ang tsismis tungkol kina Angelica at Lloydie, hintayin na lang ang tamang panahon para siya magsalita. Pero may ugali ang sister ni Vina, na para huwag na lang lumaki ang isyu ay nagsasakripisyo na lang siya na hindi magsalita.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING