Sa isyu ng hiwalayan nila ni Derek Ramsay
Angelica Panganiban, pinatatahimik

ADVERTISING

<i>Sa isyu ng hiwalayan nila ni Derek Ramsay</i><br> Angelica Panganiban, pinatatahimik

<i>Sa isyu ng hiwalayan nila ni Derek Ramsay</i><br> Angelica Panganiban, pinatatahimikHAY, NAKU! Kahit ano pang sabihin ni Angelica Panganiban, mas kampi pa rin ako kay Derek Ramsay!

Mag-iisang taon na silang break, ngayon pa siya nagsalita kung ano ang dahilan ng break-up.

Si Derek lang ba talaga ang may kasalanan?

Wala naman tayong magagawa kung gusto na ni Angelica magsalita. Kaya lang nakakapagtaka lang dahil itinaon pa sa promo ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz.

ADVERTISING

Sinagot niya ang mga tanong ng mga followers niya sa Twitter tungkol kay Derek at nakabitin pa ang ibang sagot na abangan na lang daw sa The Buzz.

O, ‘di ba? Na-plug pa ang guesting niya sa The Buzz para roon na raw niya sagutin lahat, kung paano raw siya nagtiis sa relasyon nila ni Derek.

Siyempre, gentleman naman si Derek, kaya hindi na niya pinatulan ang mga sinabi ng dating girlfriend.

Sabi lang niya, kung ‘yun ang naramdaman ni Angelica, wala na siyang magagawa.

Pero sana raw mag-focus na lang sila sa present dahil matagal na rin naman silang nakapag-move on.

Matagal na nga naman ‘yun, bakit pa binabalik-balikan. Kung may atraso man si Derek sa kanya, sa kanilang dalawa na lang ‘yun at wala nang kinalaman diyan ang ibang tao.

Tingin n’yo ba si Derek lang ang may diperensya at api-apihan ang drama ni Angelica?

Hindi naman puwedeng buweltahan siya ni Derek ng mga kapintasan niya, dahil kahit ano pa ang mangyari, lalaki si Derek, hindi niya puwedeng patulan si Angelica.

Kaya mananahimik na lang daw siya at hindi na niya papatulan at hayaan na lang ang mga inilabas na rebelasyon ni Angelica. Nasa tao na ‘yan kung alin ang paniniwalaan nila.

Kung gusto ni Angelica na mag-ingay para masabay sa promo ng pelikula nila ni John Lloyd, hayaan na siya. Dedma na lang si Derek para hindi na siya magagamit sa promo nila.

Pero ang latest na narinig namin, hindi na raw in-allow si Angelica ng Star Magic na magsalita pa sa The Buzz.

Tingnan na lang natin kung matutuloy pa siya.

 

ABANGAN N’YO sa Startalk bukas ang isang kuwento namin tungkol sa isyung kabadingan ni Paolo Ballesteros.

Hindi naiwasang kulitin siya tungkol sa gender issue niya nang sumali ito sa presscon ng pelikula nina Jose Manalo at Wally Bayola na D’ Kilabots Pogi Brothers… Weh?!

Aliw naman si Paolo na sumagot sa mga nakakaintrigang tanong sa kanya, eh. Hindi naman niya dini-deny, hindi naman niya inaamin ang kabadingan niya.

Pero sa mga sagot nito, parang ganu’n na nga na enjoy naman siya sa kabadingan niya. Sabi naman ni Paolo, nasa tao na raw ‘yan mag-isip kung ano siya, “What you see is what you get,” ‘ika nga.

<i>Sa isyu ng hiwalayan nila ni Derek Ramsay</i><br> Angelica Panganiban, pinatatahimik

Maganda naman ang career ni Paolo at wala naman siyang inaagrabyadong ibang tao, kaya hayaan na natin siya kung saan siya nag-i-enjoy.

Sa ngayon ay naka-focus lang daw siya sa career niya at sa anak niya.

Ang nakakaloka lang, nang tinanong ito kung gusto pa ba niyang magkaanak uli para may kapatid ang anak niya, sagot niya, depende raw kung kaya pa ng matris niya.

Hindi raw siya nagbibiro, basta ‘yun na raw ‘yun!

Girl na girl si Paolo rito sa D’ Kilabots at kumportable siya sa role na binigay sa kanya dahil Shamcey na nga ang tawag sa kanya ng karamihan.

Okay lang daw kung sa mga bading roles na siya nalilinya. Masaya na raw siya.

Bahala na raw siyang mag-explain sa anak niya paglaki nito.

Ngayon pa lang daw ay tuturuan na niyang mag-curlers at maglagay ng eyelashes para hindi na ito ma-shock! Kaloka!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING