Sa isyu kay Nora Aunor
Georgina Wilson, tameme na!

ADVERTISING

<i>Sa isyu kay Nora Aunor </i><br>Georgina Wilson, tameme na!

<i>Sa isyu kay Nora Aunor </i><br>Georgina Wilson, tameme na!

NARI-RINIG KO sa studio ng Startalk na pinag-uusapan pa rin ng mga beki ang nakaraang denim and underwear fashion show ng Bench Universe nu’ng nakaraang Huwebes at Biyernes.

May ibang hindi natuwa o nagandahan sa show na parang hindi naman daw 25th anniversary ang inihandang show ng Bench.

Pero may effort naman in fairness sa kanila kaya successful pa rin, lalo na’t sa SM MoA Arena pa ginanap, at dalawang gabi pa ito. Kaya okay na rin ‘yun.

ADVERTISING

Nu’ng second night pala ng show ay roon nanood si Marian Rivera kasama ang pamilya ni Dingdong Dantes.

Siyempre, proud na proud naman si Marian kay Dingdong na tinilian nang husto ng mga fans.

Ang isa pa raw sa napansin nila roon ay si Jake Cuenca na nu’ng finale ay tumabi agad ito kay Lovi Poe na sexy sa  pagrampa niyang naka-underwear.

Sabi naman ni Lovi, talagang magkatabi raw sila, pero siyempre nakikita mo naman sa mga kilos nila na may something talaga.

Marami rin ang nakapansin doon sa dating boyfriend ni Maxene Magalona na si Neil Arce na talagang nakabantay kay Bela Padilla. Parang sila na nga yata. Pero sabi naman ni Bela, getting to know stage pa lamang daw. Hindi naman daw ganu’n kadali na maging sila na agad.

“Basta, I’m happy,” sagot ni Bela nang tinanong ito ng Startalk.

Maraming bakla rin ang natuwa sa paghubad ni Aljur ng pantalon nito para makitang naka-Bench underwear na ito.

Maganda naman ang katawan ni Aljur, pero wala roon si Kylie Padilla na manood sa kanya.

Pagkatapos ng show, hinarang din ng Startalk si Georgina Wilson, pero tumanggi itong magkomento tungkol sa isyu nila ni Nora Aunor.

Ayaw na raw niyang magsalita pa, para hindi na siguro lumaki pa, kasi galit na galit ang mga Noranian sa ginawa niyang pagpalit ng mukha ni Nora sa katawan niya na tinwit nito.

Anyway, masaya naman lahat sa ginanap na fashion show ng Bench. After two years na naman na tiyak paghahandaan na naman ito ng mga endorsers nila para bongga ang rampa nila.

 

NANGANAK NA pala si Angelica Jones nu’ng September 7, pero ngayon lang nalaman ng Startalk at inilabas nga ang interview sa kanya nu’ng nakaraang Sabado.

Isang malusog na baby boy ang iniluwal nito na pinangalanan niyang si Angelo Timothy Benedict.  Mahaba raw ang ipinangalan niya para mahaba raw ang buhay at suwerte raw. Bongga, ‘di ba?

Mangiyak-ngiyak pa rin itong nagparating ng mensahe sa ama ng kanyang anak na welcome pa rin daw ito sa kanila para makita nito ang kanilang anak.

Kung hindi naman daw, kakayanin daw niyang palakihin ang kanyang anak. Marami naman daw silang magmamahal sa kanyang baby.

Sabi pa ni Angelica, “Sana sustentuhan, financial support para sa bata. Pero para sa aming dalawa, ayoko na. Ayoko nang balikan siya dahil sobrang trauma ko, sobrang pang-aapi sa akin ng pamilya ni Gerald (ang itinuturong ama ng kanyang anak).

“Siyam na buwan akong nagsakripisyo at nagdalang-tao para sa anak namin. Ang focus ng attention ko po ngayon is ‘yung palakihin ko nang maayos ang anak ko at mapag-aral siya at maging mabu-ting anak paglaki niya. At pagtu-unan ko ng pansin ang trabaho ko, lalo kong mamahalin ang constituents ko sa Laguna, ang trabaho ko at ‘yung mga taong nagmamahal, saka mga friends ko.”

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING