Sa issue ng DNA testing sa isisilang ni Andi Eigenmann “No way, DNA my ass!” – Mark Gil

ADVERTISING

 Sa issue ng DNA testing sa isisilang ni Andi Eigenmann “No way, DNA my ass!” – Mark Gil

 Sa issue ng DNA testing sa isisilang ni Andi Eigenmann “No way, DNA my ass!” – Mark Gil   MATAPANG ANG NAGING pahayag sa amin ni Mark Gil nang tanungin namin siya sa nakaraang trade launch ng ABS-CBN, kung saan kasama siya sa seryeng Ikaw ay Pag-Ibig, tungkol sa DNA issue sa isisilang ng anak na si Andi Eigenmann.

ADVERTISING

Isang matunog na “No way, DNA my ass!” ang naging sagot sa amin ng beteranong aktor kung saan dinagdagan pa nito na kanila lang ang bata at isa lang itong Eigenmann.

Nang tanungin namin kung may sama ba siya ng loob sa kahit na kanino, ayon kay Mark ay tapos na ang lahat at isa sa naging magandang ibinunga ng mga nangyari ay naging mas matibay ang relasyon nilang mag-ama, kung saan araw-araw ay nag-uusap sila at naging mas maganda ang relasyon nila ng dating karelasyon na si Jaclyn Jose. Siniguro rin niya sa amin na buong-buo ang suporta na ibinibigay ng kanilang pamilya kay Andi at excited nga ang lahat sa pagdating ng magiging anak ni Andi.

Positibo rin na makakabalik si Andi sa showbizness dahil isa itong mahusay na artista. Nagbigay kasiguraduhan din naman ang ABS na may nakahanda na silang proyekto sa aktres sa sandaling makapanganak na ito at handa na uling sumabak sa trabaho.

ADVERTISING

 

AMINADO NAMAN SI Alex Gonzaga na dati ay naputol talaga ang komunikasyon nilang dalawa ni Kean Cipriano dahil hindi talaga sila nagkaintindihan, na nahaluan pa ng mga intrigang lumabas tungkol sa kanila. Ngayong magkatambal na muli sa PS I Love You ng TV5, nabuksan muli ang komunikasyon sa dalawa at paunti-unti ay naibabalik na ang maganda nilang samahan.

Dumaan din sa matinding pakiusapan muna at paliwanag bago napa-oo sina Alex at Mommy Pinti Gonzaga bago napapayag ang mga ito, para tanggapin ang nasabing proyekto.

Single sila Alex at Kean at sa sapantaha namin, mukhang may lalim talaga ang kanilang pinagsamahan at pinagdaanan dati. Mukhang may magbabalik na mga damdamin ngayong nagkakasama na naman ang dalawa at nakakapag-usap.

 

KUNG DATI, PALAISIPAN pa at ayaw pangalanan ni Enchong Dee ang sinasabi niyang espesyal na babae sa kanyang buhay, ngayon ay bukas na ito sa pag-amin na si Julia Montes ang tinutukoy niya.

Hindi naman itinatago ang malalim na pag-hanga kay Julia dahil sa pagiging totoong tao nito, kung saan naramdaman niya na hindi pa talaga ito kinakain ng sistema ng showbizness, ang ikinatutuwa ni Enchong ay hindi nila kailangang magmadali dahil pareho pa silang bata at may mga gusto pang patunayan pagdating sa kanilang career.

Sa binitiwang salita naman ni Julia na sobrang naka-touch sa kanya ang respeto at magandang pakikitungo na pinakita ni Enchong sa kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya, ayon sa young actor, isa sa magandang kaugalian ng mga pilipino ay ‘yung pakikisamahan mo muna ang mga malalapit na tao sa babaeng gusto mo at mamahalin mo ang lahat ng mahal nito sa buhay.

You can’t please everybody kung saan may mga tagahanga raw sila Erich at Enchong na galit at ‘di matanggap si Julia para sa aktor, pinaliwanag naman ni Enchong na gusto lang niyang ipaalala na iba ang personal sa propesyunal at kung may mga ‘di makatanggap, marami rin namang tagahanga nila ang nakakaunawa at nakakatanggap sa mga desisyon niya sa buhay.

May balitang nakarating sa amin na isang proyekto raw ang hinahanda ng ABS kina Julia at Enchong, ito ang magiging barometro na magpapatunay kung talagang tanggap ba sila ng publiko o hindi.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING