Sa hiwalayang Billy Crawford at Nikki Gil: May mga taong sangkot!

ADVERTISING

Sa hiwalayang Billy Crawford at Nikki Gil: May mga taong sangkot!

Sa hiwalayang Billy Crawford at Nikki Gil: May mga taong sangkot!SA CONTRACT signing ni Gary Valenciano bilang Ambassador ng The Filipino Channel o TFC, inamin ni Gary Valenciano na totoong umiyak sa kanya si Nikki sa dressing room ng ASAP dahil sa break-up nito kay Billy Crawford.

Ikinuwento ni Mr. Pure Energy na bago sila nagkausap ni Nikki, nagkita muna sila ni Biily sa OMG Yahoo Awards, kung saan umamin ito na break na nga sila ng girlfriend at may mabigat na pinagdaraanan ito sa ngayon. Kinalingguhan, nagkita sila ni Nikki sa ASAP at nakita niya ito na kausap ni Enchong Dee, sinabihan niya ito na gusto niyang yakapin ang aktres at dito ay yumakap na sa kanya si Nikki at umiyak.

Bago naman nagsalita si Billy sa The Buzz nu’ng nakaraang Linggo ay nagkita na sila sa ASAP at nagsabi ito sa kanya na magpapa-interview ito sa una at huling pagkakataon para maklaro na rin ang iba’t ibang kuwento na naglalabasan.

Sa nasabing interview rin ay nagsabi si Billy na aalis muna siya ng bansa at pupuntahan ang mga magulang sa Amerika para makapag-isip at mahanap niya ang kanyang sarili.

ADVERTISING

May mga rason ng break-ups nila Nikki at Billy na nakarating sa amin, may ilang mga taong involved na ‘di na muna namin pangangalanan dahil malaking isyu ito ‘pag nagkataon.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING