Sa hiwalayan nila ni Matteo Guidicelli
Maja Salvador, nagmumukhang kawawa?!

ADVERTISING

<b>Sa hiwalayan nila ni Matteo Guidicelli</b><br> Maja Salvador, nagmumukhang kawawa?!

<b>Sa hiwalayan nila ni Matteo Guidicelli</b><br> Maja Salvador, nagmumukhang kawawa?!

ADVERTISING

SOBRANG MAGBATUHAN ng papuri dati sa isa’t isa sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli. Kaya masagwa nga naman kung dahil sa kanilang hiwalayan ngayon, maglalabasan sila ng kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang naging problema dahil baka magkasakitan pa sila.

Ipinagpauna na kasi nila na walang involved na third party sa kanilang break-up, kundi kakula-ngan lang sa oras. Na ang nadidiin naman ay si Matteo, dahil sobrang busy nga siya ngayon.

Pero may mas malalim siyempreng dahilan ang kanilang hiwalayan, na hindi lang nila maipaliwanag. Noon kasing nakaraang taon, pareho naman silang busy, dahil sabay silang maraming proyekto na pinagkakaabalahan sa showbiz, at wala naman silang reklamo. La-ging may paraan basta tungkol sa kanilang relasyon.

ADVERTISING

Ngayon kasi, sobrang abala si Matteo sa kinahihiligan niyang iba’t ibang sports, na dati na naman niyang gawin bago pa man sila nagkakilala ni Maja.

Parang sa kanilang dalawa, si Maja ang mas nasasaktan sa hiwalayan nila ni Matteo. Hindi naman iyon nakapagtataka, dahil todo-bigay raw ang magandang young actress kapag siya ay nagmahal. Kaya puwedeng isipin, na nanlamig si Matteo dahil baka sa kanya na umiikot ang mundo si Maja.

Dahil sobrang tindi kung magmahal si Maja, kaya dapat lang naman na sa susunod niyang pakikipagrelasyon ay magtira naman siya ng para sa kanyang sarili, para hindi siya nagmumukhang kawawang iniwan.

 

BLIND ITEM: Mula sa kanyang pagkabata ay sabik sa pagmamahal ang aktres na itago na lang natin sa screen name na Maricris Jurado. Ito ay sa dahilang produkto siya ng broken family. Kaya noong siya ay magdalaga ay hindi nawawala sa kanya ang ambisyon. Na kapag dumating ang panahon na nabigyan siya ng pagkakataon, hindi niya hahayaang magkaroon din siya ng wasak na pamilya. Ipinangako niya sa kanyang sarili na sobra niyang mamahalin ang lala-king iibig sa kanya.

Kaya lang, laging nagkakamali si Maricris sa mga lalaking kanyang minamahal. Hindi rin kasi niya makayang pangalagaan ang relasyon na kanyang pinapasukan, dahil hindi rin nawawala sa kanya ang pangamba na baka kung sino ang lala-king kanyang mahalin ay iwanan din siya at maranasan din niyang magkaroon ng wasak na pamilya.

<b>Sa hiwalayan nila ni Matteo Guidicelli</b><br> Maja Salvador, nagmumukhang kawawa?!

Maganda’t seksi si Maricris, kaya maraming lalaking nahuhumaling sa kanya. Dahil lagi naman siyang parang nakikipagsugal sa pakikipagrelasyon, kaya katawan at kagandahan na lang niya ang tinatarget ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya.

Ilang magkakasunod na lalaki ang nakarelasyon at nakahiwalayan ni Maricris. Hindi rin siya nagpapahinga sa pagmamahal. Hindi niya pinanghihinayangan ang kanyang katawan, dahil sa paghahangad niya na makatagpo ng lalaking magiging totoo sa kanya, pakakasalan siya at hindi iiwan.

Kaya lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising sa katotohanan, na ang mga lalaking nakakarelasyon niya ay nagpaparaos lang sa kagandahan at kaseksihan niya. Kaya napapansin na sa showbiz, na nakapila lang ang mga lala-king nagkakagusto sa kanya, pero walang nag-aalok ng kasal.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING