Sa hiwalayan nila ni Geoff Eigenmann
Carla Abellana, ibubulgar na ang dahilan

ADVERTISING

<i>Sa hiwalayan nila ni Geoff Eigenmann</i><br> Carla Abellana, ibubulgar na ang dahilan

Carla-AbellanaTAMA ANG naging desisyon ni Carla Abellana na sundin ang payo ng ama na huwag madaliin ang pag-aasawa.

‘Di ba pinigilan ng ama ni Carla na magpakasal sa boyfriend na si Geoff Eigenmann at mag-concentrate muna ito sa kanyang showbiz career bago pag-isipan ang pag-aasawa. Kung natuloy ang balak nina Carla at Geoff, hiwalay na sila ngayon dahil nga sa mga naglabasan isyu sa actor. Tatlong taon din ang itinagal ng pagmamahal nina Carla at Geoff. Natural na masakit sa una ang magaganap na paghihiwalay nila.

May nagsabi sa amin na nakahanda nang basagin ni Carla ang matagal nang kinikimkim nitong katahimikan sa tunay na dahilan daw ng kanilang paghihiwalay ni Geoff. Sabi ay magaganap daw ito sa araw mismo ng pagharap ni Carla sa press para i-promote ang nalalapit na pagpapalabas ng kaniyang pelikula. Ang inaabangan sa gagawing pagbubulgar ni Carla ay kung totoo ang naglabasan na pinormahan ng boyfriend si Kylie Padilla.

Sana kumita sa takilya ang movie nila ni Tom Rodriquez.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING