Sa harap mismo ng piskalya Annabelle Rama, pinagmumura at sasapakin si Nadia Montenegro!

NAKAKALOKA NAMAN itong nangyari sa hearing nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro kahapon.

Nagkaharap pala sila kahapon sa dalawang piskalya ng QC Hall of Justice dahil kailangan nilang sumpaan ang affidavit na isinumite nila.

Sa isang piskalya, kung saan doon ipinasa ni Nadia ang kasong Child Abuse at Libel, nagkaharap sila roon ni Annabelle at kinausap ng fiscal na si State Prosecutor Liezel Aquitan-Morales.

Hindi napigilan ni Annabelle ang magalit dahil ang sabi niya, nagsisinungaling daw si Nadia, nagwala ito at nagsisigaw.

Pinagmumura si Nadia at akmang sasapakin niya sana ito. Napigilan lang ng abogado at nag-iiyak na ang dalawang anak ni Nadia na sina Alyana at Anekka.

Ang dami pa namang TV crew na nag-cover doon at nakunan nga ng Startalk ang lahat ng nangyari. Kaya abangan ‘nyo ‘yan sa Sabado.

Ang latest na nabalitaan ko, nagpa-blotter sina Nadia kasama ang dalawa niyang anak para ipahuli si Annabelle dahil sa ginawa niya sa harap ng piskalya.

Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari, kung natuloy ba ang pagpapahuli niya kay Bisaya.

Nakakaloka! Ang gulo-gulo na ng mga nangyayari sa showbiz!

Finally, nagsalita na rin si Rhian Ramos tungkol sa mga inilabas na statement ni DJ Mo at sa mga ibinibintang laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ayon kay Rhian, matindi itong pinagdadaanan niya ngayon dahil sa patuloy na harassment na ginawa ni DJ Mo sa kanya.

Kaya nagsampa na ito ng kasong Rep. Act 9262 o Violence Against Women and Children dahil sa patuloy raw na pangha-harass sa kanya.

Isinampa na ito ni Rhian, kung saan ni-represent siya ng kanyang ina nu’ng kamakalawa lang sa Muntinlupa-RTC.

Matindi nga itong pinagdaanan ni Rhian pero kailangan niyang harapin. Hindi naman puwedeng magmukmok na lang siya sa isang tabi. Tuloy ang buhay, kailangan niyang magtrabaho at suportado naman siya rito ng GMA-7.

Kaya tuloy pa rin ang pelikulang gagawin niya sa GMA-7 na Contravida Girl at ang drama series nito kasama si Dingdong Dantes.

Ang alam ko, wala na rin naman dito si DJ Mo, at nasa New York na raw. Ang sabi, babalik siya rito bago mag-Pasko, pero ewan ko lang dahil tiyak na tatambakan ito ng katakut-takot na kaso.

Idedemanda siya ng pamilya ni Rhian, at baka pati na rin ang GMA-7 dahil idinamay niya ang network sa lumabas na video.

Abangan na lang natin kung ano ang susunod na magaganap. Hay, naku!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleGermany-Based Filipina Artist/ Fashion Designer Joyce Peñas Pilarsky, Wagi sa Philippine Fashion Week
Next articleSakaling mabuntis ni Derek Ramsay Angelica Panganiban, ‘di magpapa-abort!

No posts to display