Sa gusot ng mga pamilya nina Andie Eigenmann at Jake Ejercito, higit na apektado ang anak nilang si Ellie

ADVERTISING

Sa gusot ng mga pamilya nina Andie Eigenmann at Jake Ejercito, higit na apektado ang anak nilang si Ellie

Jake Ejercito with Ellie/ Andie Eigenmann
Jake Ejercito with Ellie/ Andie Eigenmann

Matagal ko nang naririnig ang kuwento tungkol sa pagpu-pull-out ni Andie Eigemann sa anak niyang si Ellie sa school na pinapasukan ng bata na pag-aari ni Laarni Enriquez, na ina ni Jake Ejercito, na ama naman ng bata.

ADVERTISING

May bulong na nakarating sa amin noon na kapag may topak daw umano itong si Andie, susugod na lang daw ito sa school ni Ellie at kukunin niya ito sa classroom nang ganu’n-ganu’n na lang, na ang batang nag-e-enjoy sa kanyang gawain sa kanyang eskwelahan, hindi tuloy nagagawa nang maayos ang pag-aaral. Maging ang normal na buhay-estudyante ng bata, naaapektuhan dahil sa mga ganitong kaganapan sa patuloy pa ring conflict between Andie with her mom Jaclyn Jose at ang Mommy Laarni ni Jake.

Sa katunayan, napag-alaman namin na si Jake at ang kapatid niyang si Jerika ang gumastos sa pagpapa-DNA kay Ellie.

Sabi ni Jobert Sucaldito na close kay Jake at kay Laarni, “Even before Andie told the media na si Jake ng ama after the DNA result, Jake acted na as the father of Ellie.”

ADVERTISING

Kung hindi lang nagloka-lokahan itong si Andie at inaming diretsahan kung sino talaga ang nakabuntis sa kanya sa simula pa lang (na isinama pa niya si Albie Casiño sa kaguluhan at sa pahulaan), wala sanang gulo at ‘di siya nagmukhang katawa-tawa sa kanyang ginawa na ewang katsipan.

Noong bisperas ng Undas, ang mag-amang Jake at Ellie ay magkasama. Sinundo ng ama ang anak at dumiretso sila sa Tagaytay, kung saan doon nag-Undas vacay sina Mayor Erap at Laarni at ang kanilang pamilya.

Kung ako kay Jaclyn, tumahimik na lang siya kung ano man ang ganap between Andie at Jake. Matatanda na ang mga ‘yan, lalo na si Andie. Alam na niya kung ano ang gagawin kung kailangan niyang iresolba ang isang bagay between her and her ex-boyfie.

Ang mga hilaw na balae talaga, sila ang pampagulo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING