Sa golden anniversary special ni Kuya Germs
Marian Rivera, Dingdong Dantes at Karylle, nagkita-kita sa backstage!

ADVERTISING

<i>Sa golden anniversary special ni Kuya Germs</i><br>Marian Rivera, Dingdong Dantes at Karylle, nagkita-kita sa backstage!<i>Sa golden anniversary special ni Kuya Germs</i><br>Marian Rivera, Dingdong Dantes at Karylle, nagkita-kita sa backstage!SAYANG, HINDI ako nakadalo sa big event ni German Moreno nu’ng kamakalawa ng gabi na ginanap sa Resorts World. Ito ‘yung 50 years with the Master Showman na matagal niyang pinaghandaan at ng GMA-7 siyempre.

Nasa Bicol kasi ako nu’n kaya hindi ako nakarating. Kasama ko si Ricky Lo, kaya si Butch Francisco lang ang nag-represent ng Startalk para magbigay-pugay sa nag-iisang Master Showman.

Kuwento sa akin, maganda ang show at nakikita naman daw na talagang pinaghandaan nang husto ng GMA-7.

Wala roon ang ibang big stars na malaki ang bahagi sa buhay at career ni Kuya Germs, pero star-studded pa rin dahil present siyempre sina Sen. Bong Revilla, Lani Mercado, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Ogie at Regine Alcasid at marami pang mga Kapuso stars.

Sa ibang istasyon naman, dumating sina Dawn Zulueta, Karylle, Billy Crawford (siyempre) at si Sharon Cuneta.

ADVERTISING

Nandu’n din ang mga veteran star na malapit sa host ng Walang Tulugan gaya nina Susan Roces, Amalia Fuentes, Gloria Romero at marami pa.

<i>Sa golden anniversary special ni Kuya Germs</i><br>Marian Rivera, Dingdong Dantes at Karylle, nagkita-kita sa backstage!So, star-studded naman at napasaya nang husto si Kuya Germs. Kaya nga ilang beses daw itong umiyak.

Pero ang hinihintay doon siyempre, sina Nora Aunor, Lea Salonga, at iba pang big stars na ga-ling sa That’s Entertainment.

Si Nora talaga, dahil sinabi noon na darating ang Superstar, pero nasabi naman daw kay Kuya Germs na hindi niya kaya dahil may shooting daw siya out of town.

Pero masaya naman at maganda ang show, kaya puwede na, at isa ito sa aaba-

ngan sa special ng GMA-7 bukas.

Marami raw sidelights doon, gaya ng sweetness nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, sina Kris Bernal at Carl Guevarra, pati sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda na parang hindi naman yata nag-break.

Nagkasama sa backstage sina Marian at Karylle pati si Dingdong. Nagkita kaya sila roon at nagkabati?

Naku! Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kuwento namin tungkol diyan.

Maraming gustong pasalamatan si Kuya Germs kaya inaasahan na ‘yang speech niyang napakahaba, sa dami ng dapat niyang pasalamatan.

 

HINDI PA rin nawawala si Dra. Vicki Belo, kasama pa rin siya sa mga pinag-usapan nang magpa-presscon ang pelikulang The Bride and The Lover.

In fairness, todo naman talaga ang suporta ni Vicki sa showbiz career ni Hayden kaya natuwa naman ang huli.

Kaya lang hindi yata makakadalo si Dra. Belo sa premiere night nito sa Lunes dahil nasa Amerika raw ito para sa graduation ni Direk Quark Henares.

Pero natutuwa na raw si Hayden dahil sa mga suportang ibinigay ni Dra. Belo.

Diretsong sinabi ni Hayden doon sa presscon na si Vicki na raw ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay. Kaya ang haba-haba ng hair ni Vicki, ‘di ba?

Mas okay nga raw ngayon ang relasyon nila dahil minsan ay lumalabas daw sila kasama si Hayden at ang ex-husband nito na si Atom Henares. Kaya sobrang ganda niyang si Vicki na napapagitnaan siya ng dalawang lalaki sa buhay niya.

Parang gusto nang mag-concentrate ni Hayden sa showbiz, pero hindi naman daw niya napapabayaan ang trabaho niya sa Belo Medical Group at ang ilang negosyong nasimulan daw niya.

Husgahan na lang natin si Hayden sa The Bride and The Lover na magsu-showing na sa May 1.

Kasama pala ni Hayden dito sina Lovi Poe, Jennyyn Mercado at Paulo Avelino.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING