Sa ginawang pag-alis ng kanyang alaga
Manager ni Marian Rivera, masamang-masama ang loob!

ADVERTISING

<i>Sa ginawang pag-alis ng kanyang alaga</i><br>Manager ni Marian Rivera, masamang-masama ang loob!<i>Sa ginawang pag-alis ng kanyang alaga</i><br>Manager ni Marian Rivera, masamang-masama ang loob!

NAKAUSAP KO na si Popoy Caritativo tungkol sa hiwalayan nila ni Marian Rivera at siyempre, masamang-masama ang loob nito sa nangyari.

Hindi pa naman ako makapagkomento tungkol diyan dahil hindi ko pa nakausap si Marian.

Nakausap ko lang ang aktres nu’ng bago siya nagpa-presscon pero hindi pa niya sinabi sa akin lahat at kung ano talaga ang desisyon niya.

Basta sabi lang niya, sana huwag daw ako magbago at patuloy ko pa rin daw siyang mahalin.

ADVERTISING

Siyempre, mabait naman si Marian sa akin, kaya wala namang mababago.

Pero ang pagkakaalam ko, pagmimitingan ng PAMI itong isyu ni Popoy bilang ka-miyembro siya namin.

Sana magkaroon pa kasi ng chance na makapag-usap sila dahil wala namang magagawa si Popoy kung gusto nang umalis ni Marian sa kanya.

<i>Sa ginawang pag-alis ng kanyang alaga</i><br>Manager ni Marian Rivera, masamang-masama ang loob!Pero sana makapag-usap sila nang maayos, dahil ‘yun din yata ang gusto ni Mr. Tony Tuviera na magkausap silang tatlo para maayos na ang dapat ayusin.

Sabi naman ni Marian, gusto niyang maging magkaibigan na lang sila ni Popoy. Kaya puwede namang friends na lang sila, ‘di ba? Pero ewan ko lang, ha?!

Nagulat din ako nang nabalitaan ko ring umalis na rin daw si Martin Escudero sa poder ni Popoy. Hindi pa namin napag-usapan ‘yan.

Si Dennis Trillo naman ay sinugod ng mga reporters sa nakaraang Golden Screen Awards, pero hindi ito nagkomento.

Wala naman daw siyang kinalaman sa isyung ‘yun, kaya wa na lang siya say! Pero sana magpahayag naman silang mga alaga ni Popoy ng suporta sa kanilang manager.

 

CONGRATULATIONS SA alaga kong si Alfred Vargas na nagwaging Best Actor sa nakaraang 10th Golden Screen Awards,  kung saan nakatabla nito si Eddie Garcia.

Pero ang na-surprise nang husto ay nu’ng binigyan pa siya ng isa pang parangal bilang Dekada Awards dahil nakadalawang award na ito sa loob ng sampung taon.

Kasama rin niyang binigyan ng parangal si Eddie Garcia, kahanay sina Dennis Trillo, Coco Martin, John Lloyd Cruz, Sid Lucero at Cherry Pie Picache, Iza Calzado, Judy Ann Santos at marami pa.

Kaya tuwang-tuwa ito nu’ng gabing ‘yun, at natanggal ang pagod niya sa araw-araw na pag-iikot sa distrito niya.

Pagkatapos nga ng eleksyon ay gusto talagang ituloy ni Alfred ang pagbakasyon sa Italy kasama ang asawa niyang si Yasmine siyempre na all-out ang suporta sa kanya.

In fairness sa alaga ko na ‘yan, ngayon pa lang ay kinakausap na ako ng GMA-7 at ABS-CBN 2 na kunin siya sa drama series nila, kaya lang magpapayat pa raw talaga siya at tutuparin muna ang pangakong bakasyon sa asawa niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING