SA ‘FAILED ROMANCE’ WITH JM DE GUZMAN: Barbie Imperial, punong-puno pa rin ng hugot!

ADVERTISING

SA 'FAILED ROMANCE' WITH JM DE GUZMAN: Barbie Imperial, punong-puno pa rin ng hugot!

Barbie Imperial
Barbie Imperial

MALALIM ang sakit na naiwanan ng pakikipag-relasyon ni Barbie Imperial kay JM de Guzman.

ADVERTISING

Iba ang karanasan na nilikha ng hiwalayan nilang dalawa.

Napanood ko recently ang interbyu ni Kuya Boy Abunda sa young actress sa nightly show nito na Tonight with Boy Abunda na for the first time ay inamin ng dalaga na masyado siya nasaktan sa pakikipagrelasyon sa aktor.

Same thing with Barbie’s ex-boyfriends like Ryle Tan, Paul Salas, at si JM nga na tila iisa ang kategorya ng tatlo na “nega” ang experience ng young actress sa kanila.

ADVERTISING

Pero kung titingnan at susuriin, napakadali ma-in love ng young actress.

After na maghiwalay sila ng matindi ni Paul na may “physical abuse” na kasama sa hiwalayan nila (na ayaw aminin ng dalaga) ay napakadali naman niya na-in love kay JM na agad-agad ay naging girlfriend siya ng aktor in less a few months of courting lalo pa’t ang aktor ay may pinagdadaanan din from a previous relationship.

SA 'FAILED ROMANCE' WITH JM DE GUZMAN: Barbie Imperial, punong-puno pa rin ng hugot!
Barbie Imperial and JM de Guzman

Ang karanasan ni Barbie na tulad niya ay may pinagdadaanan pa nang pumasok sa pakikipagrelasyon kay JM na tulad niya ay may hugot din from a previous romance, mahirap nga na both of them ay papasok sa isang relasyon na binuo ng dalawang parehong puno ng bubog at pasakit, ang ending ay mas masakit na lovelife na magtatapos din sa wala na kung mamalasin ka ay dagdag pasakit pa imbes na may magandang karanasan na maiiwan.

Sa ngayon, si Barbie ay focused sa kanyang showbiz career muna lalo pa’t palabas na ang kakaibang love story pang-pelikula ni Direk Easy Ferrer na “Finding You” na bida sina Jane Oineza at Jerome Ponce na showing na sa May 29.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING