SA DENMARK NAMAN: Paolo Contis at Yen Santos bida sa ‘The Faroe Way Land’

SI PAOLO CONTIS ang isa sa maituturing na in-demand actor ngayong 2020. Sabi nga nila, siya na ang Pinoy Netflix King dahil mabentang-mabenta ang mga pelikula niyang ‘Through Night and Day‘ with Alessandra de Rossi at ‘Ang Pangarap Kong Holdap‘. Sa katunayan, ito ang dalawa sa top films ng Netflix Philippines kahit pa hindi ito sinuportahan ng masa noong original na theatrical releases nito noong 2018.

SA DENMARK NAMAN: Paolo Contis at Yen Santos bida sa 'The Faroe Way Land'
Yen Santos and Paolo Contis in ‘The Faroe Way Land’

Kahit sa telebisyon o digital content ay very active si Paolo. Nand’yan pa rin ang Bubble Gang, Sunday All Stars at nagbida rin ito sa week-long drama anthology series na I Can See U noong Setyembre. Maliban dito, regular din ang pag-upload nito ng vlogs sa kanyang YouTube channel at madalas din ang appearance nito sa channel ng kanyang partner na si LJ Reyes, na talagang tinatangkilik ng mga netizens.

Mukhang magtutuloy-tuloy ang ‘paglibot’ ni Paolo Contis. Kung sa ‘Through Night and Day’ ay kapares niya si Alessandra de Rossi sa Iceland, this time ay ang Kapamilya leading lady na si Yen Santos naman ang kasama niya sa ‘The Faroe Way Land‘ na kinunan sa Fore Island ng Denmark recently.

Yes, lumabas pa ng bansa ang PaoYen (Paolo and Yen – ginawan na agad ng ship name!) sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Dalawang linggo nag-shoot ang buong team at sa totoo lang, mapapa-sana all ka na lang sa ganda ng tanawin!

Maraming dinaanan na butas ang buong cast and crew ng The Faroe Way Land dahil na rin sa health and safety protocols ng Denmark. Naka-ilang swab tests at kung anu-anong forms na finill-up ang grupo para maitawid ang shoot ng ‘refreshing’ team-up na ito.

SA DENMARK NAMAN: Paolo Contis at Yen Santos bida sa 'The Faroe Way Land'
Paolo Contis and Yen Santos

First time magsasama sa proyekto sina Paolo at Yen dahil na rin sa kabilang sila sa magkaibang istasyon. Hindi naman ito naging hadlang para sila ay magsama bilang onscreen lovers.

Huling napanood si Yen Santos sa hit 2018 teleseryeng ‘Halik’ at sa 2019 romance-comedy film na ‘Two Love You’. Hindi lang klaro kung ang pelikulang ito ba ay for theatrical release o para ba sa isa sa major streaming sites. Ang sure lang kami ay may fresh team-up tayong mapapanood ngayong 2021!