SA CANCELLATION AT LASING ISSUE: James Reid, guilty or not guilty?

ADVERTISING

SA CANCELLATION AT LASING ISSUE: James Reid, guilty or not guilty?

SA CANCELLATION AT LASING ISSUE: James Reid, guilty or not guilty?
Nadine Lustre and James Reid

LAST WEEK, pumutok ang tungkol sa pangi-indyan (hindi pagsipot) ni James Reid sa shooting ng pelikula nila ng katipan na si Nadine Lustre sa proyekto ni Direk Antoinette Jadaone na “Never Not Love You” para sa Viva Films.

May attitude problem na ba ang binata na inaayudahan naman ng girlfriend niya na si Nadine ang pagrarason?

Hindi lang pala ito ang unang pagkakataon na hindi niya sinipot ang kanyang trabaho.

Sa pahayag ng kapartner ni Direk Antoinette na si Direk Dan Villegas na siya din ang producer ng  naturang JaDine project sa presscon ng pelikula naman niya para sa pelikulang Changing Partners: “ Kung umiinom siya, e di uminom siya basta’t pumunta siya sa set namin,” na dahil sa na-cancel na shooting, sakit sa ulo ang kasunod ng pangi-indyan ni James noong araw na yun.

ADVERTISING

“Bawat cancellation, dagdag gastos lalo pa’t kumpirmado na ang lahat. Andun na ang mga equipments na rented. Ang catering. Ibang usapan yan. Malaking gastos yan na nasayang,” sabi sa amin ng isang supervising producer sa ganun ang mga ganap sa pagbubuo ng pelikula.

Pero sa isang online interview sa binata recently, si James nagpaliwanag na. “Actually, I didn’t even know about that issue until today. I didn’t know about it. For one, I wasn’t drunk,” depensa ng binata sa akusasyon sa kanya.

Nilinaw din ng binata sa naturang interview ni Darla Sauler para sa Push, ang online entertainment portal ng ABS-CBN na hindi siya lumalabas or gumigimik kung hindi kasama ng girlfriend na si Nadine.

SA CANCELLATION AT LASING ISSUE: James Reid, guilty or not guilty?
James & Nadine at the Heathrow Airport in London waiting for thier ride to the hotel.

Dagdag pa ng binata na kanselado ang naturang shooting bago pa man siya gumimik noong gabing yun. “But it was already a cancelled shooting.”

Si Nadine naman, ang dahilan niya ay ang problema niya sa likod na na-diagnose na may inverted cervical curve at scoliosis na dahilan ng nararanasang sakit sa katawan ng dalaga.

Ngayon, matapos pagpapaliwanag ang dalawa, bahala na kayo kung sino ang nagsasabi ni totoo: Sina JaDine ba or ang sumbong ni Direk Antoinette sa pamamagitan ng kanyang blog?

Habang isinusulat namin ito, nasa London ngayon sina James at Nadine para sa pagpapatuloy ng shooting nila ng pelikula ni Direk Antoinette.

Sa pagbabalik nila ng bansa, todo rehearsal naman ang dalawa para sa nalalapit nilang concert sa Araneta Colesium na “Revolution” on February 9 na may pangako ang dalawa ng isang pasabog sila na gagawin or ire-reveal para sa mga fans at supporters nila.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING