Sa break-up nila ng non-showbiz bf IWA MOTO, NAGBANTA SA TALENT NG DOS

ADVERTISING

Sa break-up nila ng non-showbiz bf  IWA MOTO, NAGBANTA SA TALENT NG DOS NAGSALITA NA SI Iwa Moto sa Startalk tungkol sa break-up nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan. Totoong break sila, pero magkasama pa rin daw sila hanggang ngayon. Tipong cool-off daw muna.

Nawalan na raw si Iwa ng trust nang may nalaman siya tungkol kay Mickey at sa isang kilalang artista raw. Ayaw sabihin ni Iwa kung sino, pero kilala raw ito at hindi taga-GMA-7. Ibig sabihin, ABS-CBN talent ito.

ADVERTISING

May third party’ng involved sa kanilang break-up at sinabi ni Iwa sa Startalk na kung hindi pa raw titigil ang babaeng ito, tiyak na magkakaroon ng malaking gulo. Ayaw na niyang idetalye kung ano ang mangyayari, pero galit daw siya, kaya nag-decide na siyang makipaghiwalay.

Pero sinusuyo siya ngayon ni Mickey para magkabalikan sila, pero pinag-iisipan pa raw ni Iwa ‘yon. Napalapit na kasi si Iwa sa anak ng ex-boyfriend niya, kaya ‘yun lang daw ang nagpapa-hold sa kanya at maaaring dahilan para makipagbalikan siya. Pinag-iisipan pa raw niya hanggang ngayon dahil talagang gusto na raw sana niyang tuluyan nang tapusin ang kanilang relasyon.

Since magkasama naman sila palagi, palagay ko, e magkakaayos din sila at magkakabalikan pa.  Ang latest ko lang na nabalitaan, naospital daw si Iwa nu’ng Sabado lang, kaya hindi ito nakapag-taping sa Dwarfina. Aalamin pa namin kung bakit ito naospital. Itsitsika ko ‘yan sa inyo at  may kuwento pa ang Startalk d’yan.

ADVERTISING

HINDI NAPIGILAN NI Jennylyn Mercado ang maiyak nang nakapanayam namin ito sa Startalk kasama ang abogado niyang si Atty. Joji Alonso. Masakit sa kanya na natalo sila sa kaso at naabswelto ang dating personal assistant niyang si Mel Pulmano na kinasuhan niya ng Qualified Theft.

Ang ikinalungkot daw niya, nadamay sila sa lahat ng mga kagagawan ni Mel, at ngayon ay napawalang-sala pa ito. Ang sabi na lang ni Jennylyn, bahala na ang Diyos dahil lalabas din naman daw ang katotohanan na talagang niloko sila ni Mel. Kaya raw siya nasasaktan ay dahil ibinuhos niya ang buong pagtitiwala rito, pero ganoon pa ang ginawa sa kanya?

Sabi nga ng manager niyang si Becky Aguila, bahala na ang karma dito kay Mel. Kunsabagay, nakakulong pa rin si Mel dahil meron pa itong pending case na isinampa naman ni Becky.

NAKAKATUWA ITONG SI Jillian Ward, kahit kay Solenn Heussaff nali-link si Richard Gutierrez, talagang pinagpilitan niyang mas bagay pa rin kay Richard si Rhian Ramos. Sa lahat na mga leading ladies ni Richard sa My Valentine Girls, si Rhian pa rin ang pinaka-type niya at tingin niya ay makakatuluyan daw ng aktor.

Sabi naman ni Rhian, sa kanilang lahat, sa kanya close si Jillian dahil madalas silang magkasama at mahilig kasi sa bagets ang young actress. Kaya ito ang madalas na nakakalaro nito.

In fairness nga naman, bumagay talaga si Rhian kay Richard, kaya tama lang na isali siya sa Captain Barbell dahil iba naman talaga ang chemistry nilang dalawa.

Anyway, dito magkakaalaman kung sino ang mas bagay kay Richard dahil may kanya-kanya silang episode. Abangan nyo na lang ‘yan sa My Valentine Girls na showing sa Miyerkules. May premiere night ito bukas sa SM Megamall.

Sa break-up nila ng non-showbiz bf  IWA MOTO, NAGBANTA SA TALENT NG DOS Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING