Sa bagong kontrobersiya kay Bianca King Krista Ranillo, lalong sumasama ang imahe! – Ronnie Carrasco

ADVERTISING

Sa bagong kontrobersiya kay Bianca King Krista Ranillo, lalong sumasama ang imahe! - Ronnie Carrasco

Sa bagong kontrobersiya kay Bianca King Krista Ranillo, lalong sumasama ang imahe! - Ronnie CarrascoKUNG SA PARTIDO lang ni Sharon Cuneta ay hindi para maghabol ang Megastar sa mana ng yumaong ama, dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta. After all, Shawie is financially secure.

ADVERTISING

Ang hindi lang matanggap ni Sharon, ang naturingan pa manding trusted aide-de-camp ng kanyang ama ang umano’y tumangay ng mana nilang magkakapatid (her siblings by her father’s first and second families), even the inheritance money due their respective mothers.

“Hindi ko alam kung nasaan ang testamento ng tatay ko,” kibit-balikat na sabi ng aktres sa presscon ng Mano Po 6, her first movie—at long last—under Regal Entertainment.

But Sharon is not pursuing a case against her dad’s former bodyguard. Diyos na raw ang bahala sa taong ‘yon.

ADVERTISING

ERIC QUIZON IS practically based in Hongkong, doing stage and TV work kung hindi man siya visible sa local circulation. Nagkataon lang na narito ang actor sa bansa dahil for the third time in years, he’s the directorial genius behind his dad Dolphy’s MMFF entry, ang Nobody, Nobody but… Juan!

Ngunit sa halip na mas marami siyang natututunan abroad, “Eh, sa akin pa sila natututo.”

With an unassuming stance as a director, walang dudang napapasunod niya ang kanyang mismong tatay. “Sa set, ako ang director, si daddy ang artista ko. Klaro ang set-up naming ‘yon. But after the take, siya na ang boss,” sey ni Kaizz.

Dala na rin ng kanyang pagiging abala sa trabaho, Eric finds little, if no time at all, for matters of the heart. Kahit daw sa Hongkong, lovelife takes a backseat.

MUKHA LANG MATARAY on the outside, pero may itinatago palang kabaitan si Bianca King.

Of late, lalong nadiin sa kontrobersiya si Krista Ranillo—already with a besmirched image—makaraang ipinag-utos ng tiyahin nitong si Suzette na ilabas sa tent ang gamit ni Bianca, the same tent na ginawang dressing room ng dalawang aktres, sa kanilang pelikula.

“There were actually three dressing rooms for us, one for Manny (Pacquiao), one for Krista and one for me. Pero later on, nag-share kami ng tent ni Krista. Nagulat na lang ako when I found my things scattered outside the tent, kasi raw io-occupy ‘yon ni Krista,” kuwento ni Bianca.

Napag-alaman na meron palang inutusan si Suzette na ilabas ang mga gamit ni Bianca, bagay na itinanggi ng tiyahin ni Krista. Pero hindi na ‘yon importante kay Bianca even if she should take offense at Suzette’s gesture.

Naku, namumuro na talaga ang kampo ni Krista. With all this bad press, sana’y hindi gawing dartboard ang kanyang 2010 calendar, ‘no!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING