Sa achievements sa showbiz career Cristine Reyes, aminadong kulang pa!

ADVERTISING

Sa achievements sa showbiz career Cristine Reyes, aminadong kulang pa!

Sa achievements sa showbiz career Cristine Reyes, aminadong kulang pa! PUBLICITY GIMIK lang ang namumuong romansa kina Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Ang totoong type daw ng binata ay si Jessy Mendiola. Marami ang nakakapansin sa sobrang sweetness ng dalawa sa set ng Budoy.

Ikaw raw ang gustong ligawan ni Gerald, hindi si Sarah? “Hindi ko po alam kasi, sa taping namin sobra kaming ngarag. Malay ninyo naman after the soap. Binigyan niya ako ng Christmas gift. Tapos, binibigyan niya ako ng food. Minsan naman, pinapanood niya ‘yung  show ko like MMK,” sagot ni Jessy.

Kung seryosong manligaw si Gerald kay Jessy, may chance ba naman ito? Walang kagatul-gatol na sinabi ng dalaga, “Oo naman po. Si Gerald is a very nice guy, friendly to everyone, sweet, very caring. Aaminin ko, before Budoy, hindi ko naging crush si Gerald. Kasi, hindi ko pa siya kilala, hindi pa kami close. Nang makilala ko siya sa Budoy, sabi ko, puwede. Masasabi kong naaano na ako sa kanya, ang bait pala niya,” aniya.

Walang pakialam si Jessy sa mga controversy na kinasangkutan noon ni Gerald. ‘Yung pakikipag-relasyon ng binata kina Kim Chiu at Bea Alonzo. “Opo, alam ko ‘yung mga ‘yun kasi, siya rin naman ang nag-open-up sa akin tungkol sa mga ‘yun and everything. Ang masasabi ko, lahat sila magaganda, sina Bea Alonzo, Sarah at Kim Chiu. Nasa kanya na po ‘yun, labas na ako du’n.”

ADVERTISING

May tsika na si Jessy talaga ang type ni Gerald at hindi si Sarah. “Well, sana sabihin niya in person. Ha! Ha! Ha! Kunwari, kung may manliligaw sa ‘yo, kailangan sa ‘yo sinasabi, hindi sa ibang tao na baka hindi totoo, mag-feeling pa ako, nakakahiya naman,” walang pagkukunwari turan ng ‘young actress.

Qualities ni Gerald that you find him attractive? “Ayaw niyang nagpapa-make-up masyado at number one ‘yun sa akin sa lalaki. Mas nakakalalaki kapag hindi nagmi-make-up. Number 2, sobrang sweet po niya. ‘Yung sweetness niya as Budoy  and Gerald in real life, hindi siya nagkakalayo. Kapag nagsasalita siya, malumanay, malambing so, ang tingin ko, suwerte ‘yung babae na magiging girlfriend niya.”

If ever na maging boyfriend ni Jessy si Gerald, first relationship kaya niya ang actor? “Nagka-boyfriend ako dati pero puppy love. Fifteen lang ako nu’n, text-text lang. Sa showbiz, sinasabi nilang naging boyfriend ko si ganito (JM de Guzman). Promise po , hindi naging kami. Si Robi Domingo, muntik na maging kami pero naudlot kasi busy siya sa study niya. Ako naman, mas gusto kong sa career, sa trabaho… pero matagal na ‘yun, three years ago.

 

ACTRESS NA raw ngayon si Cristine Reyes dahil naging super blockbuster ang pelikulang No Other Woman nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay. Ipinakita niya rito ang galing niya sa pag-arte kahit may mga sexy scene ang dalaga.

As much as possible, ayaw na raw nitong magpakita ng kanyang kaseksihan sa mga susunod niyang project. May kinalaman kaya ito sa relationship nila ni Rayver Cruz? “No, it’s my personal choice. Dati, wala akong ginawa kung hindi mag-pictorial nang mag-pictorial. Mag-pose nang mag-pose nang sexy. For a change naman, at least, nakita ninyo ang the other side of Cristine. Hindi ‘yung puro sexy na lang ang ginagawa ko. Napansin naman ninyo ang acting ko.”

Seryoso na nga ang relasyong Cristine at Rayver, hindi kaya mauna pa silang lumagay sa tahimik kaysa sa ate niyang si Ara Mina? “Hindi, magti-twenty three pa lang ako. Magti-twenty three pa lang si Rayver. I don’t think, mauunahan namin si Ate kasi, nasa age na siya. Sa tingin ko, mauuna siya kaysa sa akin.”

Inamin ni Cristine na paminsan-minsan, napag-uusapan nila ni Rayver ang tungkol sa paglagay nila sa tahimik, pero hindi ser-yoso. “Marami pa akong dapat gawin. Gusto ko pang gumawa ng movies, TV series. Wala pa akong mas-yadong achievement, No Other Woman pa lang at saka FHM, ‘di ba? Malayo pa ‘yung paglagay namin sa tahimik.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING