Ryzza Mae Dizon, tsugi na ang TV show

ADVERTISING

Ryzza Mae Dizon, tsugi na ang TV show

Ryzza-Mae-DizonTATANGGALIN NA nga sa ere ang TV show ni Aling Maliit sa GMA na napanonood bago mag-Eat… Bulaga! Pero huwag mag-alala ang fans ni Ryzza Mae Dizon, dahil magkakaroon naman siya ng drama series na siyang ipapalit sa The Ryzza Mae Show sa ganoon ding oras.

ADVERTISING

Pati show ni Aling Maliit ay naapektuhan ng biglang sikat ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza na mas kilala sa tawag na Yaya Dub. Maging ang iba pang segment ng Eat… Bulaga! ay apektado sa kalyeserye ng AlDub na patunay lang na kahit wala na ang mga inaabangang segment sa longest running variety show sa GMA, nananatili pa ring nangunguna at lalong tumibay ang rating dahil sa phenomenal stardom ng AlDub loveteam.

Sa bagong show ni Aling Maliit, makasasama niya si Aiza Seguerra at Eula Valdez na magpapaiyak at magpapasaya sa mga televiewers tuwing umaga.

Samantalang hindi naman daw apektado si Ryzza Mae sa biglang pagkatsugi ng kanyang TV show, dahil may kapalit naman kaagad. ‘Yun nga lang, hindi na solo niya ang show dahil mala-primetime drama series ito na mapanonood every morning sa GMA 7. Hindi lang namin tiyak kung tinanggap nang maluwag ng mga kamag-anak ni Ryzza Mae ang biglang pagkatsugi ng TV show ni Aling Maliit.

ADVERTISING

Dalawang lang kasi ang kahihitnan nito. Kapag nag-klik ay siguradong tatagal ito, pero oras na lumalaylay ito sa ratings ay dapat tanggapin nang maluwag na hindi ito puwedeng magtagal sa ere.

Sana lang sa tinagal ni Ryzza Mae sa showbiz, nakapag-ipon na ito nang sapat para sa kanyang kinabukasan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING