Ryzza Mae Dizon, parang debut ang birthday party!

ADVERTISING

Ryzza Mae Dizon, parang debut ang birthday party!

Ryzza Mae Dizon, parang debut ang birthday party!UMATEND TALAGA ako sa 8th birthday party ni Ryzza Mae Dizon nu’ng kamakalawa ng hapon na ginanap sa Plaza Ibarra sa Timog, Quezon City.

Du’n mo talaga makikita kung gaano siya kamahal ng Eat Bulaga family at ng karamihan sa showbiz.

Imagine, dumating sina Susan Roces, Manay Ichu Maceda, Pilita Corrales, Helen Gamboa. Akala mo, matanda ang may birthday sa mga dumating na bisita.

Parang debut na rin ng bagets dahil meron din siyang tinatawag na eight treasures at eight roses.

ADVERTISING

Hiyang-hiya ito sa 8 roses nang magbigay ng rose at sumayaw sa kanya ang crush niyang That’s My Boy na si Jacob.

Pero nandu’n sina Mark Herras at Aljur Abrenica na isa rin sa mga kinakikiligan niya.

Pero touching din ang huling part ng party niya nang magbigay ng regalo ang Mama niya na si Riza.

Parang isip matanda itong si Ryzza Mae na naintindihan niya kung anong mga hirap na pinagdaanan nila noon. Kaya napaiyak na rin siya nang magsalita ang Mama niya na umiiyak na rin.

Sobrang tuwang-tuwa ang child wonder ng Eat Bulaga sa engrandeng selebrasyon sa kanya.

Pinadalo pa ang mga dati niyang kalaro at mga kapitbahay sa Pampanga kaya kumpletong-kumpleto ang birthday  niya.

Sa totoo lang, kaya ako napapunta dahil kailangan kong samahan ang bestfriends ko sa Bizarre na sobrang fans ni Ryzza Mae. Kaya tuwang-tuwa sila nang makita ang bagets.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang mga sidelights sa birthday ni Ryza Mae.

 

ITO PALANG si Victor Aliwalas ay hindi na gaanong active sa showbiz dahil meron na siyang corporate job at ang alam ko bongga ang pinagtatrabahuan niya.

Kaya tahimik na ito ngayon na sobrang in love pa rin daw kay Liz Almoro, ang dating asawa ni Willie Revillame.

Inamin ni Victor sa Startalk na pinag-uusapan na raw nila ang kasal pero hindi pa raw niya masasabi kung kailan.

Sabi nito, sa tagal daw ng relasyon nila, sa kasal din naman daw ang patutunguhan nito, dahil seryoso na sila sa kanilang relasyon.

Masaya ring ikinuwento ni Victor na naging malapit na rin daw sa kanya ang anak ni Liz kay Willie.

Alam ko close din itong bagets kay Willie, pero sabi ni Victor, itinuring naman daw niya itong anak.

Pero mas mabuting tahimik na lang daw para hindi na maintriga.

Dadalo kaya si Willie sa kasal nina Liz at Victor kung sakaling imbitahin ito?

Sabi naman ni Victor, ibabalita niya ito sa Startalk kung talagang nandiyan na ang plano nilang pagpapakasal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING