Ryzza Mae Dizon, natupad na ang pangarap

ADVERTISING

Ryzza Mae Dizon, natupad na ang pangarap

Ryzza-Mae-DizonNATUPAD NA ang matagal nang pinapangarap ni Ryzza Mae Dizon na magkaroon ng sariling house & lot. Binigyang katuparan ito ng producer ng The Ryzza Mae Show sa first anniversary nito. Personal na iniabot sa child wonder ang box na may lamang susi sa bagong niyang bahay ng Eat… Bulaga.

ADVERTISING

Palibhasa mataas ang rating ng show ni Ryzza kaya’t puro sikat na celebrities ang madalas na nagiging guests nito. Sina Derek Ramsay at Madam Mel Tiangco ang special guests niya sa nakaraang first anniversary. Bukod sa galing ni Ryzza sa comedy at hosting, may kakaibang talent pa rin ang child star sa drama.

Sa Lenten special ng EB na Hulog Ng Langit, six different story ang ating mapapanood sa GMA-7 na gagampanan ng buong cast ng noontime show. Sa isang episode, magpapamalas si Ryzza ng husay niya sa pag-arte. Special guests sina Ms. Susan Roces at Dennis Trillo. Maging si Wally Bayola, magpapaka-serious actor sa gagampanan niyang papel. Sobra raw siyang naka-relate sa character na ipo-portray niya. Ganu’n?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING