Ryzza Mae Dizon, level up na ang career

ADVERTISING

Ryzza Mae Dizon, level up na ang career

Ryzza-Mae-DizonFOOD TRIP palagi si Ryzza Mae Dizon, ang “Princess in the Palace” na pamalit sa morning talkshow ni Aleng Maliit na magsisimula today bago mag-Eat… Bulaga!. Kuwento nga ng mga kasamahan niya sa taping, kapag walang eksena na kinukunan kay Ryzza, walang ginagawa ang “ale” kundi ang ngumuya at palaging my sinusubong pagkain.

Sa media launch nga ng kanyang bagong show habang on-going ang open forum, si Ryzza, ngumunguya pa rin. “Palagi po kasi akong nagugutom,” sabi ni Aleng Maliit na napangingiti na lang ako.                Bibo si Ryzza. Mabilis mag-react. May tanong ka, may isasagot kaagad siya. Batang maliksi at ismarte, ika nga.

Pansin nga ng mga kasamahan ni Aleng Maliit na iba ang food trip ni bagets. Sabi ni Aiza Seguerra, “Iba ang appetite niya. Pampa-good mood niya ang pagpo-food trip niya. Pero okey na rin ‘yan. Bata kasi, kaya ang metabolism niya mabils,” sabi pa ng singer-actor who plays head of security ni Madam President (played by Eula Valdez).

Desisyon ni Mr. Tony Tuviera of TAPE, Inc. na i-level up na ang karir ni Ryzza para hindi magsawa ag manonood habang ang interes sa kanyang ng publiko ay nand’yan pa. Sa katunayan, si Mr. Tuviera, innovator ‘yan ng mga palabas sa telebisyon. “Si Tatay (Tony) ang nagsabi sa akin na ibahin namin ang Ryzza Mae,” kuwento ni Direk Mike Tuviera.

ADVERTISING

Hindi porke’t contract artist ng TAPE, Inc. si Ryzza Mae, sagad-sagaran nilang pinagtatrabaho ang bata.

“Alagang-alanga namin ‘yan,” sabi ng isang taga-produksyon. May curfew siya, na dapat ang mga scenes niya sa morning serye ay matapos bago ang cut-off time niya.

Malambing si Ryzza. Always with a ready smile. Ang lambing nga ni Ms. Malu Choa-Fajar sa Aleng Maliit ay ang halikan ang kili-kili ni bagets habang si bagets tawa nang tawa habang nakikiliti.

Sa pampa-good vibes morning serye, kasama rin si Boots Anson Roa at si Dante Rivero who plays the role of the loving lolo of Ryzza aka “Princess Cruz”.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING