Ryzza Mae Dizon, flower girl sa kasal ni Marian Rivera

ADVERTISING

Ryzza Mae Dizon, flower girl sa kasal ni Marian Rivera

Ryzza-Mae-DizonENJOY RAW si Ryzza Mae Dizon na katrabaho si Marian Rivera sa sequel ng My Little Bossings. At masaya rin daw siya para sa aktres na malapit na itong ikasal sa boyfriend na si Dingdong Dantes. Ano ba ang mensahe niya para kay Marian kaugnay ng nakatakdang wedding nito sa December?

ADVERTISING

“Go lang po!” nangiting sabi ni Ryzza Mae. “I-push lang niya ‘yon!” sabay tawang pahabol pa niya.

Siya ba ang magiging flower girl sa kasal ni Marian?

“Opo!”nangit ulit na sabi ng child star. “Sinabi ko po iyon sa kanya, e. Na gusto kong maging flower girl sa kasal niya.”

ADVERTISING

Sa katatapos na 6th PMPC Star Awards For Music, nanalong Novelty Song Of The Year ang Chachacha Dabarkads, ang aiwting pinasikat nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Ryzza Mae.

“Masaya po ako,” sabi ng binansagang Aleng Maliit. “Mas gagalingan ko pa po. At saka po bawal ang sad, kailangang laging happy!”

 

SA SEPTEMBER 22 na ang simula ng airing ng bagong game show ng GMA 7 na Don’t Lose The Money hosted by Tom Rodriguez. Directed by Mark Reyes, mapapanood ito araw-araw sa umaga mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Basta Everyday Happy.

“Sobrang nakaka-excitedahil first time kong mag-host ng isang game show,” ani Tom. “Kahit nakakapagod dahil halos umaabot ng 24 hours ang taping naming, enjoy ako. Masaya ang show. Aside from the challenges for the competing teams, it aims to inspire viewers na maging madiskarte so they can achieve their goals in life.”

A successful franchise from Germany, Don’t Lose The Money features two teams with three members each, competing with each other. The team who keeps the biggest amount of money at the end of the program, after going through grueling physical challenges, wins and gets to take home the cash prize.

Sa unang araw ng taping ni Tom, bumisita si Carla para ipakita ang suporta nito sa kanya. Lalo tuloy tumitindi ang ispekulasyon na nagkakamabutihan na ng sila.

“Isa kasi si Dennis Trillo sa mga contestant na maglalaro kaya bumisita sa taping namin si Carla. Naging magkakaibigan kasi kaming tatlo no’ng nagkasama kami sa My Husband’s Lover.”

Kapag natatanong tungkol sa real score sa kanilang dalawa ni Carla, matipid pa rin sa kanyang binibitawang pahayag si Tom. Masaya raw siya sa kung anuman daw ang estado ng samahan nila ngayon. At pareho raw sila ni Carla na sa trabaho muna gustpng mag-focus nang husto. Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING