Ryzza Mae Dizon, ‘di makikilala kundi dahil kay Ruby

Ryzza Mae Dizon, ‘di makikilala kundi dahil kay Ruby

Ryzza-Mae-DizonHINDI PALA naging child star si Ryzza Mae Dizon kung hindi dahil kay Ruby Rodriguez. Hindi pala nakapasa sa audition ng Little Miss Philippines noon si Ryzza dahil ayaw sa kanya ng production staff ng Eat Bulaga na nagha-handle ng audition. Buti na lang daw, nando’n si Ruby na ipinilit sa production staff na ipasok si Ryzza kahit sa daily round lang ng Little Miss Philippines.

Sey pa nga ni Ruby during the presscon of My Big Bossing, kung saan gumaganap siyang nanay ni Ryzza Mae sa episode na Prinsesa ng pelikula, “Ipasok na natin ‘yung bata, kahit panabla na lang.”

May nakita raw na x factor si Ruby sa bata kaya ipinilit niya talaga na mapasama ito sa daily hanggang ito pa nga ang naging grand champion. Biruin n’yo, kung hindi pala dahil kay Ruby, walang Ryzza Mae ang showbiz ngayon, huh! Kung tutuusin, si Ruby pala ang puwedeng sabihin na mentor at discoverer ni Ryzza Mae.

Anyway, bida si Ryzza sa tatlong episode ng My Big Bossing na Taktak, Prinsesa at Sirena. Sa tatlo, pinakanag-enjoy siya sa Sirena kahit ito rin daw ang pinakamahirap dahil kailangan niyang lumangoy sa tubig. Sa tatlong episode ay kasama ni Ryzza si Vic Sotto na bida rin sa My Big Bossing na palabas na sa Pasko para sa Metro Manila Film Festival.

La Boka
by Leo Bukas