Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap, magbabanggaan sa MMFF

Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap, magbabanggaan sa MMFF

Bimby-Yap-Ryzza-Mae-DizonNASA POST-PRODUCTION na ngayon ang pelikulang My Big Bossings nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon. First week pa lang ng November ay tapos na ang principal photography ng pelikula kaya siguradong aabot sila sa MFFF deadline.
“Matagal kaming nag-prepare. February, March pa lang, nagkukuwentuhan na kami… Principal photography namin nag-start na nu’ng July pa lang, kasi may kasama kaming bata (Ryzza). Hindi naman puwedeng puyatin ‘yon,” he said.
Sa December ay makababangga ng My Big Bossings ang pelikula ni Bimby Yap na kasama last year ni Ryzza Mae sa 2013 MMFF na My Little Bossings.
“Magkaiba naman sila, eh. Magkaiba sila ng tema. So, I don’t think magkakaroon ng conflict. And besides, ‘yung aking Big Bossing is a trilogy. ‘Yung aking Big Bossing (Ryzza), eh, talagang ipinakita ang kanyang talento sa pagpapatawa… sa seryosong role. I think she’s proving herself to be a very good actress, hindi lang ‘yung puro pa-cute.
“Sa My Little Bossings kasi puro pa-cute lang siya, eh. ‘Pag pinanood mo,  pa-cute lang sila ni Bimby, eh… ‘Eto, tatlong role ang aming ginampanan… Si Ryzza naging sirena, ispiritista at prinsesa,” pagmamalaki pa ng actor-TV host sa kanyang co-star.

La Boka
by Leo Bukas