Ryza Cenon walks out from Bulacan Santacruzan!

ADVERTISING

 

Ryza Cenon walks out from Bulacan Santacruzan!

ADVERTISING

Ryza Cenon walks out from Bulacan Santacruzan! BLIND ITEM: HIWALAY na nga ba talaga ang non-showbiz parents ng isang sikat na young actress?

May nakapagtsika kasi sa amin na bagaman nakatira sa iisang bubong sina mommy at daddy ay magkahiwalay naman ito sa pagtulog. Since marami namang kuwarto sa kanilang napakalaking bahay, kasama ni mommy ang isa nitong anak o kung minsan, solo lang ito.

Pero si daddy, ang ka-join sa pagtulog ay ang kanilang aso.

ADVERTISING

But in fairness, wala namang ikinuwento na sa sobrang pananabik sa misis ni mister ay pati aso ay pinagdiskitahan nito.

“Pero mama, ganu’n talaga ang madir. Very strict. Strong kasi ang personality ni madir, kaya behaved lang with his pet si daddy!”

Pero ewan if this is true, ha? Pakikiramdaman namin.

Meanwhile, maglalaro muna kami ng “close-open, close-open”.

 

NAKAKATUWA TALAGA ANG relasyon nina Toni Gonzaga at Vice Ganda. Para silang sisters talaga. Hindi nahirapan ang Viva Concerts na kuning guest si Toni sa concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum sa July 1.

“Ay, basta si Vice, Ogie, kung kaya ko, go lang!”

Kaya naman itong si Vice, nu’ng makarating sa kanya na okay na si Toni, “Sige, sabihin mo kay Toni, ‘pag nag-concert siya, magge-guest din ako sa kanya! Love ko ‘yan, ‘no!”

Tuwang-tuwa rin si Vice nu’ng si Billy Crawford mismo ang mag-alok sa sariling i-guest sa concert niya. “Wala tayong pag-uusapan sa presyo. Gusto ko talagang maging part ng concert ni Vice,” sey ni Billy.

Ilan pa sa mga guests ni Vice sina Cristine Reyes, Xian Lim at Enchong Dee na hahataw sa dance floor with Vice.

“I assure you, patok ang concert na ‘to ni Vice,” pulso naman ng producer na si Boss Vic del Rosario. “More than half na ang ticket sold, kaya jampacked ‘yan. Isa lang ang ibig sabihin niyan, si Vice ang pinasok ng tao, hindi ang mga guests niya!”

 

MAY NAG-TEXT SA amin, ini-rereklamo si Ryza Cenon. Bayad naman daw ito sa kanilang Santacruzan sa Sta. Maria, Bulacan, ba’t daw gano’n, nag-um-attitude?

“Alam naman po niyang sagala ‘yon, tapos, kalagitnaan ng paglalakad, nag-walkout, dumiretso sa sasakyan at umalis na.”

Baka napagod?

“Napagod? Eh, alam niyang lakaran ‘yon. Hindi bale sana kung nagkakakaway siya sa mga kumakaway sa kanya, eh.  Kaso, hindi. Ang ginagawa niya, busy siya sa kate-text, kaya puro batok niya ang nakukunan ng mga nanonood sa sagala.

“Sana, next time, kung a-attitude, ‘wag na lang tumanggap ng raket na sagala. Kung sikat siguro siya, maiintindihan namin, eh. Kaso, hindi naman siya sikat.”

Oh, well, hindi naman para husgahan namin si Ryza, ha? Kung nagbabasa si Ryza, pakilinaw na lang ito para din ma-clear na ang name niya.

Mahirap ding magkaroon ng record sa mga probinsiya, baka ‘pag nabalitaan ito ng ibang taga-probinsiyang promoter, hindi na siya kunin sa mga future rakets.

 

Kung type n’yo kaming sundan sa twitter, i-search lang ang @ogiediaz at sa aming blogsite na www.ogiediaz.blogspot.com at i-like ang aming FB fanpage na “The Ogie Diaz.”

Demanding ba? Pasensiya na, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING