Ryza Cenon, super daring sa “Ang Manananggal sa Unit 23-B”

ADVERTISING

Ryza Cenon, super daring sa “Ang Manananggal sa Unit 23-B”

Ryza Cenon
Ryza Cenon

 Todo-bigay si Ryza Cenon sa mga sexy at daring scenes niya sa pelikulang “Ang Manananggal sa Unit 23-B” na pinamahalaan ni Direk Prime Cruz. Ito’y  isa sa entry sa QCinema Film Festival. Mula sa The IdeaFirst Company nina Direk Perci Intalan & Direk Jun Robles Lana, kasama rin sa pelikula sina Martin del Rosario, Vangie Labalan, Cholo Barretto, at iba pa.

Papel ni Jewel ang ginagampanan dito ni Ryza, isang misteryosang babae na namumuhay mag-isa. Hanggang sa makilala niya si Nico (Martin) at magkalapit ang kanilang loob. Darating si Jewel sa punto na kailangang mamili kung mamahalin niya si Nico o ililigtas niya ang binata sa kanyang sarili.

Maraming daring scenes dito si Ryza, kabilang ang nakakikiliting love scenes with matching pumping scene pa. Pero ang pinakamatindi ay ang masturbation scene ng Kapuso aktres. Sobrang daring at tindi nito, kuntodo emote si Ryza habang nasa kama at naka-panty at bra lang. Tapos ay nilalamutak niya ang kanyang dibdib at minsan ay ipinapasok pa ang isang kamay sa loob ng bra niya upang salingin ang kanyang nipple.

Ang the height ng eksenang ito ay nang ipasok din ni Ryza ang isang kamay niya sa loob ng panty niya upang kalikutin naman ang kanyang pagkababae hanggang sa pumulandit siya sa kanyang kasukdulan. Ganoon katindi ang nabanggit na masturbation scene ni Ryza, pero hindi ito malaswang lumabas, Kailangan lang talaga kasi sa istorya dahil napakahalaga ng eksenang ito sa kabuuan ng pelikula.

ADVERTISING

Hindi ba siya nagdalawang-isip nang tinanggap ang project na ito?

“Hindi po, hindi po ako nagdalawang-isip, excited nga po akong gawin siya,” wika ni Ryza.

Ibig sabihin ba nito ay tuluy-tuloy ka na sa mga mas daring na project pa?

“Yes, ito po ‘yung pinaka-daring na ginawa ko sa lahat ng mga project ko. Pero for me naman, lilinawin ko lang, hindi ibig sabihin na ginawa ko ito, na ito na lagi ang gagawin ko. Depende pa rin sa materyal na ibibigay sa amin. Siyempre gusto ko pa ring mag-explore ng ibang characters, sana rin huwag akong masabihan na sexy lang.”

Paano ka kinumbinsi ni Direk Prime na gawin iyong masturbation scene rito?

Sagot ng aktres, “Hindi naman, before naman kasi mag-start, sinabi na naman sa akin lahat-lahat ng eksena, especially ‘yung sensitive na scenes like ‘yung sex scenes and ‘yung masturbation scene. Talagang pinaghandaan namin ‘yun, pinag-usapan namin kung ano ‘yung mga dapat, kung ano ‘yung kailangan.”

Naniniwala ka ba na importante sa pelikula ‘yong masturbation scene mo?

“Yes, kasi ‘yun ‘yung transformation ng manananggal, isa sa highlight ‘yun eh,” matipid na sagot pa niya.

Nilinaw rin niya kung bakit siya umiyak sa daring na eksenang ito.

“Iniyakan ko siya. Hindi ko naman maitatago iyon, pero umiyak ako sa bahay. Hindi ako nagpakita sa kanila, sa production, para hindi rin sila ma-awkward, hindi matensiyon. Pero hindi ‘yong talaga umiyak dahil ayaw ko siyang gawin. Umiyak ako dahil kinakabahan ako, dahil baka hindi ko siya magawa nang maayos.”

 

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING