Ryza Cenon pinuri sa ‘Rooftop’ kahit pakiramdam niya ay kinalawang ang kanyang acting

Leo Bukas

HALOS tatlong taon ding nagpahinga sa pag-arte si Ryza Cenon dahil sa pandemic at pagiging ina sa anak niyang si Night kaya aminado ang aktres na kinalawang na ang kanyang acting ability. Ito ang inamin siyasa PUSH sa ginanap na digital mediacon para sa pelikulang Rooftop ng Viva Films.

Ryza Cenon  pinuri sa ‘Rooftop’ kahit pakiramdam niya ay kinalawang ang kanyang acting
Ryza Cenon

“Ah, super. Sobra kasi three years na rin and hindi pa rin ako nakakapag-taping or nakaka-try mag-work as in,” pagtatapat ni Ryza.

Kinakabahan din daw siiya na tanggapin ang offer ng ABS-CBN namagbida sa isang episode ng MMK dahil baka hindi na siya marunong umarte.

“Right now may offer sa akin ang MMK so kinakabahan ako kassi hindi ko alam kung kaya ko pa. So parang feeling ko, ah, ‘Okey, back to zero.’ Feeling ko parang baguhang artista ako uli,” sabi pa ng aktres.

Nilinaw naman ni Ryza na hindi pa rin niya lilimitahan ang sarili sa pagtanggap ng sexy roles sa pelikula kahit nagkaroon na siya ng baby.

Aniya, “Hindi naman siguro. May iba, like yung super sexy talaga, hindi ko talaga siya kayang gawin. But if meron sa script na kailangan siya and maganda naman yung mapag-uusapan namin ng direktor open naman akong gumawa ng sexy pero hindi yung all out.”

Ang Rooftop na isang horror-thriller movie mula sa direksyon ni Yam Laranas ay naipalabas na sa SM Cinemas few weeks ago para sa Asian Horror Festival, pero sa June 17 ay streaming naman ito sa Vivamax. Masaya naman si Ryza sa magandang review sa performance niya sa Rooftop kahit pa feeling niya ay kinalawang ang acting niya.

Ryza Cenon  pinuri sa ‘Rooftop’ kahit pakiramdam niya ay kinalawang ang kanyang acting
ROOFTOP Movie Poster

“Siyempre, ,yung expectation talagang mataas at natatakot ako na baka hindi ko siya ma-deliver nang tama dahil biglaan akong pinasok o sumalo do’n sa karakter don sa movie na hindi naman talaga ako dapat kasama do’n pero sinalo ko kasi. So, medyo na-pressure ako don kasi konti lang yung time ko paraa pag-aralan yung karakter ko…

“And sobrang nakakatuwa naman na naging maganda yung reviews. Kumbaga, nagbunga yung pinaghirapan at yung maliit na oraas na talagang binigay ko para pag-aralan yung karakter,” huling pahayag ni Ryza.

Previous articleVilma Santos may reaksyon sa pagkakahirang kay NoraAunor bilang national artist
Next article5 Things To Do in Metro Manila