Ryza Cenon muntik nang hindi magkaanak dahil sa inverted uterus

ADVERTISING
Leo Bukas

HINDI PA magpapakasal si Ryza Cenon sa kanyang boyfriend na si Miguel Cruz na ama ng kanyang anak na si Night. Wala pa raw ito sa kanilang plano.

Ani Ryza, “Hindi pa po, eh. “Matagal pa po yon…matagal pa po. Focus muna po sa baby first. Napapag-usapan naman po namin ang kasal, pero hindi muna po, yung sa baby muna po,” pag-amin ni Ryza sa virtual conference ng action series niya sa TV5 na Bella Bandida.

ADVERTISING

Hindi ba siya natatakot na parang walang security dahil hindi pa sila kasal ng ama ng kanyang first baby?

Ryza Cenon muntik nang hindi magkaanak dahil sa inverted uterus
Ryza Cenon

“Ah, hindi naman. May tiwala naman po ako kay Miguel,” tugon agad niya.

May problema sa matres si Ryza. Inverted daw ang kanyang uterus at muntik na siyang hindi magbuntis.

ADVERTISING

“Nawalan na ako ng hope na magkakaanak ako, eh.  Inverted po kasi yung uterus ko, so hindi po ako basta-basta makakabuo,” lahad niya.

Patuloy ng aktres, “Meron palang pag-asa, may hope pala basta huwag ka lang mag-give-up. Kaya ko palang maging isang ina. Yung feeling na nailabas mo siya.

“Kasi nag-i-struggle na po talaga ako noon, kasi one hour delivery na po siya at pagod na pagod na po ako tapos umiiyak na ako. Sabi ko, ‘Ayoko na, ayoko na.’ Pero kinaya ko para sa kanya.”

Balak pa ba niyang magkaanak ulit kahit delikado ang kanyang magiging pagbubuntis?

“Nag-decide po kami na isa lang. Kasi naisip po kasi namin na parang habang tumatagal siyempre pamahal nang pamahal yung tuition (fee). Yon agad ng nasa isip namin, di ba?

“Mas gusto namin na mag-focus na lang muna sa kanya. Kung mabigyan man, or nagulat kami na magkaka-baby ulit, okey naman po. Pero ang plan po talaga namin is one lang,” paliwanag ng aktres.

ADVERTISING