Ryza Cenon hurt by Aljur Abrenica’s innuendos

ADVERTISING

Ryza Cenon hurt by Aljur Abrenica’s innuendos

Ryza Cenon hurt by Aljur Abrenica’s innuendosMARIING PINABULAANAN NI Ryza Cenon ang bali-balitang kinumpronta siya ng dati niyang co-star sa Machete na si Aljur Abrenica at sinabi raw mismo nang harap-harapan sa kanya na sila ni Bela Padilla ang dahilan kaya hindi nag-rate ang Machete.

Ayon kay Ryza, wala raw katotohanan ang nabanggit na balita. Ang totoo raw, may nagparating sa kanya ng nasabing balita. Ayaw naman daw nitong ma-ging plastic kapag sinabi niyang ‘di siya nasaktan, dahil ang totoo naman ay na-hurt siya. Ibinigay naman nila ni Bela ang 100% ng makakaya nila para mas mapaganda ang kanilang soap, tapos makakarinig ka ng ganoong pahayag mula pa mismo sa bida ng show?

Ayaw na raw palakihin pa ni Ryza ang nasabing issue, kaya naman hindi na niya kinausap pa si Aljur. Deadma na lang daw si Ryza at mas aatupagin na lang ang kanyang mga proyekto. Tapos na naman daw ang Machete, kaya naman daw ano pa raw ang rason para mag-usap sila ng hunk actor. Kabog !

HALOS ISANG BUWAN din palang magpapahinga ang mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez dahil balitang tutungo ito ng Amerika para magbakasyon kasama ang kanyang buong pamilya.

ADVERTISING

Tsika nga ng aming source, ito na raw marahil ang premyo ng mahusay na aktres sa sunud-sunod na trabahong kanyang ginawa ngayong taon, mapa-telebisyon man at mapa-pelikula ay talaga namang naging visible si Ms. Sylvia.

Kaya naman daw nag-advance ta-ping na ito ng kanyang mga regular shows like Tween Hearts na hanggang ngayon ay hindi pa rin matalu-talo ng mga katapat na palabas kahit ilang shows na rin ang itinapat dito ng mga leading networks.

HALOS TATLONG TAON daw na naghintay at nag-ipon ang young star na si Kris Bernal bago niya nabili ang kanyang first car, isang white Nissan Montero Sports, na ayaw na nitong sabihin kung magkano niyang nabili.

Tsika ni Kris, katas daw ito ng kanyang paghihirap at pagpupuyat sa taping at sa kanyang mga iniendorsong produkto. Kaya naman daw ang sarap sarap ng pakiramdam nito na sarili niyang ipon ang pinambili ng kanyang sasakyan at hindi galing sa bulsa ng kanyang mga magulang.

Next in line daw kay Kris ang pagbili naman ng bahay at lupa. Dito raw kasi gustong mag-invest ni Kris para naman daw may puntahan ang perang kinikita niya sa pag-aartista at pag-eendorso ng iba’t ibang produkto. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING