Ryza Cenon, gustong mag-movie kaya lumipat sa Viva

ADVERTISING

Ryza Cenon, gustong mag-movie kaya lumipat sa Viva

Ryza Cenon, gustong mag-movie kaya lumipat sa Viva
Ryza Cenon

MAAYOS ANG PAG-ALIS ni Ryza Cenon sa GMA Artist Center (GMAAC) na nag-manage sa career niya ng more than a decade. Pero ayon kay Ryza, kailangan niyang mag-grow as an actress kaya humanap siya ng ibang manager.

 
      Ngayon ay nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency (VAA) si Ryza. Pumirma siyang limang kontrata sa kompanya ni Boss Vic at Veronique del Rosario.
 
      Makakagawa na ng ibang bagay si Ryza na dati ay sa teleserye lang nakapako. At least, she can do movies now na marami ang Viva.
 
May chance din na makatrabaho niya ang ibang Viva artists and hopefully, makapag-guest siya sa ABS-CBN.
 
      Nilinaw naman ni Ryza ang isyu na may kinalaman ang dyowa niyang si Cholo Barretto sa paglipat niya sa VAA. Si Cholo ay contract star din ng kompanya.
 
      “Wala po. Wala siyang kinalaman sa paglipat ko. Sariling desisyon ko po ito,” paliwanag pa niya.
 
      Bago si Ryza, matatandaan na last month ay pumirma rin ng 5-year contract ang dating Kapuso star na si Louise delos Reyes.
 
      Meron pa kayang Kapuso star ang susunod na lilipat sa Viva? Abangan natin yan.

ADVERTISING

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING