Ryza Cenon bibida sa action series na Bella Bandida

ADVERTISING
Leo Bukas

MULA SA gumawa ng mga nakamamanghang pelikulang Buy Bust at Maria, isang seryeng action-drama na hango sa comic book ng National Artist Francisco V. Coching ang magsisimula na sa Nobyembre 25, 2020 sa TV5.

Ang title ng action series na pagbibidahan ni Ryza Cenon ay Bella Bandida. Ang seryeng ito ang unang “title role” para kay Ryza.

ADVERTISING
Ryza Cenon bibida sa action series na Bella Bandida
Ryza Cenon as ‘Bella Bandida’

Sa nakalipas na apat na taon, mahusay niyang nagampanan ang mga karakter na sina Georgia Ferrer sa “Ika-6 na Utos” (GMA-7), Aubrey Hidalgo sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, at Jessie de Leon-del Fierro sa “The General’s Daughter” (ABS-CBN).

Mula sa Kapuso Network hanggang sa Kapamilya Network, at ngayon sa Kapatid Network, siguradong magmamarka si Ryza bilang isa sa mga babaeng “action heroes” sa Philippine TV.

Kasama rin sa “Bella Bandida” si Sarah Jane Abad, AJ Muhlach at Josef Elizalde. Isang mahalagang papel ang gagampanan ni Ara Mina sa buhay ni Bella Bandida.

ADVERTISING

Samantala, kasunod ng kanyang tagumpay bilang direktor ng mga TV commercials at music videos, buong pagmamalaking ibinalita ni Direk Raffy Francisco sa kanyang Instagram na ito ang kanyang unang pagsabak sa long-form narratives (“first foray into long-form narratives”).

Ang kanyang co-director sa proyektong ito ay si Temi Abad, mahusay na manunulat at creative consultant.

 

ADVERTISING