Ryan Tamondong, recording artist na ng Star Music

ADVERTISING

Ryan Tamondong, recording artist na ng Star Music

MASAYA ang baguhang recording artist ng Star Music na si Ryan Tamondong sa takbo ng kanyang career matapos niyang manalo sa Europop Grand Prix 2015 sa Berlin, Germany. 

ADVERTISING
Ryan Tamondong, recording artist na ng Star Music
Ryan Tamondong

Sunud-sunod na nga ang naging proyekto ni Ryan, at isa na rito ang pagiging Star Music artist niya. Sumunod dito ay nang ma-invite siya sa Live on Wish 107.5 YouTube channel na talaga namang trending siya sa social media at na-nominate sa Wish Promising Artists.

Nakasama rin si Ryan kamakailan sa show nina Ronnie Alonte at Michael Pangilinan na “Luv Me Tonight” na ginanap sa Zirkoh – Tomas Morato; at sa “Voices From The Heart” sa Rizal Park Auditorium kasama ang kapatid niya sa management na si Natsumi Saito.

Recently, naging bahagi rin si Ryan ng isang malaking event, ang Philippines Fashion Stars na ginanap sa Fishermall kasama ang isa pang kapatid niya sa Chacer Artist Management na si Julijo Pisk na talaga namang dinumog sila ng fans, siyempre sa tulong na rin ni Ms. Eleonor Pisk na very succesful ang kanyang event. 

ADVERTISING

Bata pa lang, pangarap na ni Ryan ang maging sikat na singer na ngayon ay unti-unting nang natutupad. Bunso sa magkakapatid ang mahusay na singer na tubong Malolos, Bulacan.

Very focus din si Ryan sa kanyang pag-aaral sa Conservatory of Music sa University of Santo Tomas.

Sa husay ni Ryan sa pagkanta, hindi kami magtataka na malayo ang mararating nito sa music industry.  

Sa ngayon, mina-manage siya ng aming kaibigan at magaling na composer- album producer na si Joel Mendoza na talaga namang very hands-on and very supportive sa kanyang mga alaga.  

ADVERTISING