Ryan Chua at Sebastian Castro, nag-out bilang lovers

ADVERTISING

Ryan Chua at Sebastian Castro, nag-out bilang lovers

Ryan-Chua-Sebastian-CastroMARAMI ANG kinilig sa pag-out nina Sebastian Castro at Ryan Chua bilang lovers.

Ang daming pumuri sa kanila sa social media nang kumalat ang photo nila where they were caught in a very romantic gesture. Nakita namin ang isang photo where Sebastian was kissing Ryan’s cheeks.

And daming congratulatory  messages ang tinanggap ng couple. Ang cute kasi nilang tingnan. And they’re very sweet in their photos.

In one photo of them together, Ryan captioned it this way, “My life is more beautiful because of you”.

ADVERTISING

“Ang daming nagsasabing ang haba ng hair ko. Pero paubos na nga ang hair ko eh. Hehe,” pagpapatawa pa ni Ryan sa mga taong pumupuri sa kanila.

In one photo were they had dinner with their friends, si Sebastian naman ang nag-caption ng ganito, “just inhaled a scrumptious dinner with a bunch of ryan’s friends.. @naealla oh naealla everything u cook is LOVE !!!”

Si Ryan ay news reporter ng ABS-CBN at si Sebastian naman ay model-turned singer.

 

Mga madir ng mga batang talent sa Dos, nagrereklamo?

 

TRUE KAYA ang chika ng isa naming friend na si Alfie Averia na nagsabi sa aming merong mga magulang ng mga bagets na talents ng Dos na nagrereklamo dahil pinagtatrabaho nang higit sa tamang oras ang mga anak nila?

Napakinggan ni Alfie sa isang radio show  ang chikang ang dami raw madir na imbiyerna sa Dos ngayon dahil more than four hours yatang pinagtatrabaho ang mga anak nila. At there were times pa nga raw na inaabot ng madaling-araw ang taping ng mga bagets kaya napupuyat ito.

True ba ito, Kane Choa? Can we have your side on this?

Actually, marami na kaming naririnig na reklamo sa Dos. Merong nagsabi sa aming patayan ang taping nila, inaabot ng tatlong araw at saka pa lamang nila pinakakawalan ang mga artista nila. Kaya nga raw marami na ang artistang nagkakasakit dahil sa ganitong sitwasyon.

True ba ito, Kane?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING