Ryan Agoncillo, pinilahan sa nilulutong breakfast

ADVERTISING

Ryan Agoncillo, pinilahan sa nilulutong breakfast

Ryan-AgoncilloPINASYALAN NAMIN nu’ng Sabado ng hapon ang Open Kitchen food bazaar na nag-feature ng best kept recipes of the stars sa UP Town Center kahit umuulan at nakita namin ang dami ng tao na gustong makita nang personal ang mga artista sa kani-kanilang food stalls na nagtitinda at nagluluto ng pagkain.

ADVERTISING

Host ng event ang The Clean Plate at nagsimula ito nu’ng June 19 at natapos nu’ng Sunday, June 21.

Ilan sa mga nakita naming artista na nando’n para sumuporta at bumili ng pagkain ay sina Agot Isidro, Paulo Avelino, Julia Montes, Coco Martin, Angel Aquino, Mika dela Cruz, Maja Salvador, Bea Alonzo, at marami pang iba.

May food stalls naman sina Pokwang, Judy Ann Santos and husband Ryan Agoncillo, Sam Milby, Marvin Agustin, Vice Ganda, Anthony Taberna, Paul Jake Castillo, Aiza Seguerra and wife Liza Dino, Richard Yap, at iba pang celebrities.

ADVERTISING

Pinilahan ang Dirty Breakfast recipe ni Ryan with matching organic egg na siya mismo ang nagluluto katulong ang asawang si Judy Ann Santos. Habang nagluluto, panay naman ang picture sa kanila ng mga tao. Mabilis din agad naubos ang laing ni Pokey na pagka sarap-sarap. May halo itong hipon at maraming gata. May tinda ring suka si Pokwang na ayon sa kanya ay hinaluan niya ng kung anu-anong “kalandian”.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING