Ryan Agoncillo, idinaan sa patawa ang pro-gay remark

Ryan Agoncillo, idinaan sa patawa ang pro-gay remark

Ryan-AgoncilloFOLLOWING THE Supreme Court ruling in the United States na gawin nang legal ang same sex marriage, here’s a witty, pro-gay remark from Ryan Agoncillo.

Sey ng Eat Bulaga host at mainstay ng Sunday sitcom na Ismol Family, “Naku, dadami ang mga magpapatahi ng tuxedo! Imagine, dalawa agad sa bawat pares na gay men na magpapakasal?”

Dagdag-info naman ng co-host ni Ryan sa EB na si Joey de Leon, “Ina-acknowledge na ng Amerika ‘yung right na magpakasal ang dalawang lalaki at dalawang babae, pero may kanya-kanyang batas ang bawat state doon. Actually, ganu’n na rin naman ang nangyayari even before naibaba ‘yung batas.”

“Ang nakakatawa nga lang,” hirit ni Tito Joey, “kasabay nu’ng balitang ‘yon tungkol sa Supreme Court ruling, nabalita naman ‘yung paghahasik ng terorismo ng mga Isis sa Tunisia at Kuwait.”

So, ano’ng kunek?

“Isis…parang ‘Ay, sis!’” biro ni Tito Joey sabay nagbakla-baklaan.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III