Ryan Agoncillo, ‘di makulit sa Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli affair

ADVERTISING

Ryan Agoncillo, ‘di makulit sa Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli affair

Ryan-AgoncilloKAHIT ANONG pilit ng mga reporter kay Ryan Agoncillo na magkuwento tungkol kina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, hindi talaga siya nagkuwento.

Pangako raw nila ni Judy Ann Santos, hindi raw sila magsasalita tungkol sa relasyon ng dalawa.

Basta masaya lang daw sila at itong si Ryan, kapag kinukulit ng mga reporter, idinadaan na lang sa biro na wala raw siyang napapansin kundi ang kapogian ni Matteo. Nababakla raw siya kay Matteo.

Pero seryosong pahayag ni Ryan, “I know Matteo outside of the industry. Si Sarah, masasabi na nating I know her outside of showbiz. Though, I worked with her a long time ago, and I know her as Judy Ann’s sister. Magugulat na lang ako, pagdating ko ng bahay nandu’n na lang siya nakikipagkuwentuhan sa isang sulok ng hardin sa asawa ko.

ADVERTISING

“Gusto ko kasing isipin na hindi yata tama ‘yung kuya nila ang magsasalita tungkol sa kanila. Gusto ko sana, huwag na munang magkomento. Less talk, less mistake.”

Hindi naman itinatanggi ni Ryan na kasama pa rin sina Mommy Divine sa unang dinner nila na kasama ang magkasintahan.

‘Yung sunod yata na nakasama nila sina Matteo at Sarah, kasama naman si Daddy Delfin. Kaya nandiyan pa rin sila para bantayan si Sarah.

Pero siguro, nagtitiwala sila kay Matteo para sa anak nila. Sana nga kasi nakikita namang masayang-masaya si Sarah kay Matteo.

Mukhang in love naman nang husto si Matteo kay Sarah, dahil open naman siya sa pagpahayag ng pag-ibig niya kay Sarah. ‘Di ba “mahal” na nga ang tawag niya kay Sarah nu’ng na-interview ito sa isang radio program.

Ang dating naman, parang godparents nila sina Ryan at Judy Ann.

At least, hindi talaga nagsasalita si Ryan nu’ng kinulit-kulit ito sa presscon ng Ismol Family na magsisimula na sa Linggo ng gabi.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING