Ryan Agoncillo, balik Kapamilya

ADVERTISING

Ryan Agoncillo, balik Kapamilya

Ryan-AgoncilloPOSIBLE RAW na bumalik ng ABS-CBN si Ryan Agoncillo at ang tsika, gagawin daw ng actor/TV host sa Dos ang pagho-host ng Family Feud.

Ang Kapamilya network na kasi ang nakakuha ng rights ng nasabing game show na sikat na sikat na game show sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi naman kami magugulat kung totoo ngang babalik ng Dos si Ryan. ‘Di ba nga from TV5 ay nagpunta ito ng GMA 7 at tapos ay babalik nga uli sa ABS-CBN para maghost ng game show.

Ang tanong, hindi ba may kontrata ang mister ni Judy Ann Santos sa Kapuso Network? Unless na per project ang contract nitong pinirmahan nang lumipat sa GMA 7 from TV 5.

ADVERTISING

Wala namang magiging problema si Ryan sa pagho-host ng Eat Bulaga dahil block timer naman ang nasabing show sa Siyete.

May nag-suggest naman na malapit kay Ryan na ibalik na lang ang Picture! Picture na show ng actor/TV host sa GMA 7 para hindi na ito muling bumalik ng Dos.

Kung matutuloy ang paglipat ni Ryan sa Dos, susundan niya si Jolina Magdangal na isa na ring Kapamilya ngayon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING