Ryan Agoncillo, ayaw ng tapatan kay Judy Ann Santos

ADVERTISING

Ryan Agoncillo, ayaw ng tapatan kay Judy Ann Santos

Judy-Ann-Santos-Ryan-AgoncilloSI OGIE Alcasid na mismo ang nagpahayag na walang katotohanan ang lumabas na balitang inalok sa kanya ng TV5 ang pagho-host ng Talentadong Pinoy. Wala raw offer at negosasyong nagaganap.

Kung walang magiging aberya ay posibleng si Ryan Agoncillo muli ang mag-host sa pagbabalik uli sa ere ng talent show. Inamin naman ni Ryan na nag-uusap na ang manager niya at ang management ng Kapatid Network hinggil dito.

Right now, patuloy pa ring nasa Eat… Bulaga si Ryan as one of the host at may serye pa siya ngayon sa GMA 7.

Kung puwede at walang magiging conflict sa schedule ni Ryan sa GMA 7, posibleng siya na nga uli ang mag-host ng Talentadong Pinoy.

ADVERTISING

Ayon kay Ryan, hindi lang daw puwedeng mangyari ngayon ay magtapat muli ang kanilang show ng misis na si Judy Ann Santos. Ayaw na raw nilang mag-asawa na magtapatan ang kanilang TV show.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING