Ruru Madrid, tinitira rin ng Julielmo fans!

ADVERTISING

Ruru Madrid, tinitira rin ng Julielmo fans!

Ruru Madrid, tinitira rin ng Julielmo fans!AFTER ALDEN Richards, ang Kapuso teen actor na si Ruru Madrid naman daw ang nakatatanggap ng pamba-bash mula sa mga tagahanga nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

Kuwento nga ni Ruru, “Nagsimula ‘yun sa SAS (Sunday All Stars ). Sana kasi, igi-guest namin si Elmo (Magalona) sa grupo namin (Tweethearts), kaya lang hindi siya naka-attend sa rehearsal namin.

“ Tapos biniro ko si Julie Anne ng, ‘o kita mo hindi ka na naman niya sinipot’. Sagot ni Julie Anne, ‘sino ba ang dapat sumipot?’.

“Sumagot ako na ‘kilala mo naman, eh’. Tapos sabi ko, ‘sino ba dapat ang nandidito? Eh ‘di ako’. Tapos sina Ate Jen (Jennylyn Mercado) at Kuya  Sef (Cadayona). Biniro kami, tinutukso na kaming dalawa.

ADVERTISING

“Tapos nu’n lagi na kaming binibiro. Tapos last week, parang naisip ni Julie na kasi nagkakaroon na kaming dalawa ng fan base, tapos sabi ni Julie ‘sige mag-loveteam tayo’.

“Tapos ginawa namin ‘yung sa production number namin, parang ginawa naming angel ako tapos devil siya, pero nagkatuluyan kami at the end. Parang ganu’n, sobrang hindi mo ini-expect na mangyayari ‘yung ganu’ng bagay.

“Tapos ayun, habang nagpe-perform kami, kinikilig ‘yung mga tao sa loob ng studio, pati mga kasamahan namin. Tapos sa Twitter maraming natutuwa. May nagtu-tweet na ‘bagay na bagay kayo, nakakakilig kayo’. Pero siyempre meron ding nam-bash. Siyempre, ‘di ba, Julielmo, matindi ‘yan.

So nakatatanggap ka na ng pamba-bash sa Julielmo fans?

“ Oo naman sinasabi nila sa akin na kapag Julielmo, Julielmo lang, wala nang iba, ‘yung mga ganu’n. Tapos meron namang nang-aaway sa kanya (Julie Anne). Ang natatawa pa ako, du’n lahat ng message na pinapadala sa akin, natatanggap din ni Julie ‘yun.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING