Ruru Madrid, muntik sagasaan ni Bianca Umali dahil sa selos kay Jasmine Curtis

ADVERTISING
Leo Bukas

NASA premiere night kami ng Cara X Jagger na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis noong Martes ng gabi (Nov. 5) sa SM Megamall pero hindi namin mismo nasaksihan ang insidente ng tangkang pagsagasa diumano ni Bianca Umali sa rumored boyfriend na si Ruru.

Ayon sa ilang eye witness, nagkasagutan sina Ruru at Bianca after the premiere night ng Cara X Jagger sa parking lot ng Megamall.

ADVERTISING
Ruru Madrid, muntik sagasaan ni Bianca Umali dahil sa selos kay Jasmine Curtis
Jasmine Curtis and Ruru Madrid

Papunta na sana ng cast party ng Cara  X Jagger sina ‘Ruru at Jasmine nung mangyari ang insidente. Sinilip daw ni Bianca ang bintana ng sasakyan ng aktor at tiningnan kung sino ang nakasakay dito.

Nang makita raw nito na nasa loob si Jasmine kasama ang director ng pelikula na si Ice Idanan ay nagalit ito na pinagsimulan ng kanilang mainit na pagtatalo na nauwi pa para itulak diumano ni Bianca ang aktor.

Kaagad daw bumalik si Bianca sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito na tila akmang sasagasaan si Ruru.

ADVERTISING

Ayon sa obserbasyon ng maraming nakakita ng insidente ay matinding selos ang dahilan kung bakit nagalit si Bianca. Very vocal kasi noon si Ruru sa pagsasabing crush niya ang kapareha sa Cara X Jagger na maaaring ipinagselos ni Bianca.

Ruru Madrid, muntik sagasaan ni Bianca Umali dahil sa selos kay Jasmine Curtis
Bianca Umali in sexy white bikini

Dahil sa ginawa ni Bianca kay Ruru ay napaiyak din ang tatay ng aktor. Natakot daw ito sa nangyari para sa kanyang anak at hindi nito inakala na magagawa ni Bianca na sagasaan ito. Huwag na rin daw tayong magtaka kung maghiwalay na rin sina Ruru at Bianca dahil sa nangyari.

Samantala, puring-puri ng mga nakapanood ang hindi maitatangging chemistry sa Cara X Jagger nina Ruru at Jasmine. Isa rin marahil yon sa nakadagdag sa selos factor ni Bianca.

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang Cara X Jagger.

ADVERTISING