Ruru Madrid lalong na-boost ang confidence dahil sa Beautederm; perfect partner daw ito ngayong summer

Leo Bukas

Ang Kapuso actor na si Ruru Madrid ang latest addition sa dumaraming A-list celebrity brand ambassadors ng  Beautederm Corporation owned and managed  Rhea Tan. Ang aktor din ang magsisilbing face of summer ng kompanya.

“Very welcome addition si Ruru sa Beautéderm family. Isa si Ruru sa mga premiere leading men ng GMA-7 at isa siyang extremely gifted actor,” pagmamalaki ng Beautederm CEO and president.

Ruru Madrid lalong na-boost ang confidence dahil sa Beautederm; perfect partner daw ito ngayong summer
Ruru Madrid

“Very strong at potent din ng kanyang online reach na perfect para sa Beautéderm. Nakakamangha ang kanyang professionalism at kindness. At napakasarap niyang katrabaho. Surely, this is the start of a wonderful partnership,” dagdag pa niya.

Isang dekada na si Ruru sa showbiz industry   at nagbida na siya sa ilan sa mga top-rating series ng GMA-7, at ang pinakahuli dito ay ang The Gift kung saan ginampanan niya ang papel ni Eloy.

Sa ngayon, naghahanda si Ruru para sa  lead role ng nalalapit na GMA-7 primetime series na Lolong – isang action-fantasy na itinuturing na pinakamalaking proyekto ng network to date. Sa Lolong, magbibida si Ruru kasama sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Isa rin siya sa mga host ng All Out Sunday (AOS) at paboritong miyembro ng OG Group ng naturang Sunday afternoon variety show.

Ayon sa aktor,  “Isang privilege at honor na maging bahagi ng Beautéderm family.  Grateful ako kay Ms. Rei Tan sa kanyang pagtitiwala sa akin na maging brand ambassador at di na ako makapaghintay sa mga exciting na projects na gagawin namin.”

Ang mga personal na paboritong Beautéderm products ni Ruru ay ang grooming essentials ng Spruce & Dash collection na kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap, Lad Hair Pomade, Hugh Shaving Cream, Charcoal Charmer Face Mask, at Brawn Anti-perspirant White Spray – na mga produktong bahagi ng daily regimen ng batang aktor.

Ruru Madrid lalong na-boost ang confidence dahil sa Beautederm; perfect partner daw ito ngayong summer
Rhea Tan and Ruru Madrid

“Perfect ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm sa aking very active lifestyle.  Lagi akong on-the-go at lagi akong busy sa trabaho so I have to make sure that I look and feel my best every time I face other people. Binibigyan ako ng Spruce & Dash collection ng extra boost of confidence na aking kailangan especially when I am having a long day.

“I start my day with a refreshing shower with Beau Charcoal Soap, a clean shave with Hugh Shaving Cream, sprits of Brawn for long-lasting freshness, and I cap-off my grooming by styling my hair with Lad. I reward myself with a hot bath at the end of the day with Beau and Charcoal Charmer to remove excess dirt from my face,” kuwento pa ng aktor.

Para sa iba pang mga  balita at updates sa Beautéderm at kay Ruru, sundan lang ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.