Ruru Madrid at Shaira Diaz, bida sa ‘I Can See You presents On My Way to You’

NAGBABALIK sa primetime ang drama-mystery anthology series ng GMA-7 na ‘I Can See You’. Naipalabas ang first season ng programa noong nakaraang taon kung saan nagbida sa mga episodes ang ilan sa mga most prized Kapuso artists tulad nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, Lovi Poe, Tom Rodriguez, Paolo Contis, Andrea Torres, Yasmien Kurdi, Jasmine Curtis Smith at Alden Richards.

Ruru Madrid at Shaira Diaz, bida sa 'I Can See You presents On My Way to You'
Shaira Diaz and Ruru Madrid

Sa pagbabalik ng ‘I Can See You’ ay magbibida ang fresh team-up nina Ruru Madrid at Shaira Diaz sa kuwentong pinamagatang ‘On My Way to You‘.

Ito ay kuwento ng isang runaway bride na tinakasan ang kanyang groom sa mismong araw ng kanilang kasal. Napadpad ito sa isang secluded mountain resort kung saan makikilala niya ang isang misteryosong lalaki na iniwan naman sa dambana ng kanyang supposed bride. Sila kaya ang meant to be sa huli, or will there be another twist?

Noong nakaraang taon ay inanunsyo na ng Kapuso Network na si Shaira Diaz ang napiling bagong leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming action series na ‘Lolong’. In a way ay paghahanda na rin ito para makitaan na rin ng Kapuso viewers ng potensyal ang bagong tambalang aabangan nila sa primetime.

 

Narito ang trailer ng I Can See You presents On My Way to You na mapapanood simula ngayong Lunes, March 22 sa GMA-7. Kasama rin dito sina Gil Cuerva, Arra San Agustin, Malou de Guzman at Richard Yap.

Bagay sina Shaira at Ruru onscreen, pero offscreen ay may mga real-life sweeties na sila. Hello pala kina Edgar Allan Guzman at Bianca Umali! He-he-he!