Ruru Madrid at Kylie Padilla balik-tambalan sa ‘Regal Studio Presents: My Fairytale Hero’

MUKHANG nasagot na ni Bathalang Emre ang mga panalangin ng mga fans nina Kylie Padilla at Ruru Madrid o KyRu na kanilang minahal at sinuportahan magmula noong sila’y magtambal sa Encantadia noong 2016. Kahit na na-involve sa iba’t ibang artista ay solid pa rin ang demand na sila ay magbalik-tambalan.

Ruru Madrid at Kylie Padilla balik-tambalan sa 'Regal Studio Presents: My Fairytale Hero'
Ruru Madrid and Kylie Padilla

After years of waiting ay sa Regal Studio Presents pala muli magtatambal ang KyRu! For their buena mano episode ngayong 2022 ay sinlakas ng mga powers ng mga sang’gre ng Encantadia ang tuwa ng kanilang mga fans, na talagang sabik na sabik na makita sila muli na magkasama.

Instead of action ay isang romance-comedy ang pagbibidahan nina Kylie at Ruru. Kuwento ito ng isang fan fiction writer named Jen (Kylie Padilla) na popular sa internet ang kanyang mga likha. Isang araw ay magigising ito na nasa bahay na niya si Brando (Ruru Madrid), ang leading man sa kanyang isinusulat na kuwento! OMG!

Para kay Brando, si Jen ang kanyang girlfriend at ang mga nalalaman lamang niya ay ang mga kuwentong isinulat na ni Jen. Ano kaya ang mangyayari kung sakaling magkatotoo ang iyong pinapantasyang lalaki?

Siguradong worth the wait ang balik-tambalan nina Ruru at Kylie! Mapapanood na ang Regal Studio Presents: My Fairytale Hero ngayong Sunday, 4:35 PM pagkatapos ng Dear Uge sa GMA.