Ruru Madrid, apektado ang career sa kanegahan ng ka-love team na si Gabbi Garcia

ADVERTISING

Ruru Madrid, apektado ang career sa kanegahan ng ka-love team na si Gabbi Garcia

Ruru Madrid & Gabbi Garcia
Ruru Madrid & Gabbi Garcia

Usap-usapan sa radio show ni Fernan de Guzman aka Ms. F sa Radio Inquirer kanina (Friday) ang tungkol sa pagiging negative nitong baguhan na si Gabbi Garcia.

Tinalakay nina Ogie Ignacio at Boy Romero (Ms. F’s co-hosts sa Friday edition ng programa) ang “unfriendly” attitude nitong si Gabbi na minsan nang na-involved sa kakulangan ng pakikisama sa mga baguhang dancers na iniwanan niya sa isang bayan ng Bataan after ng show nila sa kalaliman ng gabi na ang paliwanag ni Gabbi ay hinabi na rin ng kasinungalingan.

No wonder na may balitang kumakalat na maging ang manager ni Ruru Madrid na si Direk Maryo delos Reyes ay gusto na ring buwagin ang “love team” ng dalawa dahil nakaapekto diumao ito sa karir ni Ruru Madrid na isang very promising young actor ng Kapuso Network.

Sa bagong pantaserye na palabas ng GMA, ang magka-love team(Ruru and Gabbi Garcia) ay magkasama pero tila based on review and feedbacks, may stigma ang pangalan ni Gabbi na dahilan kung bakit si Direk Marjo J. ay gustong paghiwalayin ang dalawa.

ADVERTISING

Sa kabila ng pagpapaliwanag ni Gabbi (na pawang kasinungalingan, ‘di lang naman dikta ng Artists Center sa kanya, ayon sa isang source namin), baguhan man, showbiz na showbiz na rin pala ito at marunong nang magpa-andar para pasakayin ang reporters at mga taga-showbiz.

One word of advice sa dalaga na kung gusto niyang magtagal sa showbiz, dapat marunong siyang makisama mula sa kapwa artista, production staff, at lalo na sa mga crew; tanggalin ang attitude na nagpapaka-“prime artist” daw ng GMA Artists Center na siyang bini-brainwash sa kanya, dahil malayo pa ang tatahakin niya para maging sikat at nandun sa itaas para tingalain.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING