Ruffa Mae Quinto, always a bride-to-be… never a bride!

ADVERTISING

Ruffa Mae Quinto, always a bride-to-be… never a bride!

Ruffa Mae Quinto, always a bride-to-be… never a bride!IPINAGMAMALAKI NI RUFA Mae Quinto nitong katatapos lang niyang birthday party, na marami pa raw lalaking nagpaparamdam sa kanya na gustong manligaw. In fairness naman sa kanya, kapani-paniwala iyon at hindi isang pagyayabang, dahil talaga namang kahit nagkakaedad na siya na nahahalata na sa kanyang hitsura ngayon, ang ganda-ganda pa rin niya. At bukod sa kanyang kaseksihan, sobrang okey ang napaka-flawless niyang kutis na laging mukhang mabango.

ADVERTISING

Ewan ba naman d’yan kay Rufa Mae. Lagi na lang siyang nang-eeklat na nagpaplano na silang magpakasal ng kanyang boyfriend. Ang ending naman, ilang lalaki na ang kanyang nakarelasyon at nakahiwalayan ay wala namang kasalang nangyayari. Kaya iniintriga tuloy siya na baka siya itong mayroong malaking problema kung bakit parati na lang nauudlot ang mga plano niya tungkol sa pagpapakasal? Nawawala sa eksena ang mga lalaking gusto niyang pakasalan, huh!

Tama na sana ang mga kaeklatan ni Rufa Mae. Mapakisama naman siyang tao sa mga taga-showbiz, d’yan natin mapupuri ang seksing komedyana na ‘yan. Kaya marami ang nagwi-wish sa kanya na magpakasal na siya, para naman makahabol pa siya sa huling biyahe. Kasi nga, nagkakaedad na siya, at baka kung maikasal man siya sa kanyang magiging husband, ang maging problema naman ay kung magbubuntis pa ba siya? Sumikat na siya ng todo sa showbiz, at wala na siyang dapat pang patunayan, kaya ang isipin na niya ngayon ay ang pansarili niyang kaligayahan.

 

ADVERTISING

HINDI PA NAMAN laspag ang hitsura ni Cogie Domingo, dahil guwapo pa rin naman siya. Kaya ngayong magbabalik-showbiz na naman siya, pupuwede pa rin naman siyang bigyan ng isa pang pagkakataon. Kahit sa totoo lang ay nakakapagod na rin ang kanyang ilang ulit na pagbabalik-showbiz, dahil habang iniisip mo kung ano ang susunod n’yang project, ‘yon pala ay hindi natin namamalayan na wala na naman pala siya! Minsan ay hindi na rin natin siya dapat na seryosohin. Kung nand’yan siya, okey lang. Kung mawala man siya, okey lang din.

Ruffa Mae Quinto, always a bride-to-be… never a bride!

Bongga ang pagbabalik-showbiz ngayon ni Cogie, dahil ang Viva Films na ni Boss Vic del Rosario ang hahawak ng kanyang movie career. Pero ang una lang sigurong dapat gawin para mas lalong okey ang pagharap ni Cogie sa kamera para sa mga teleserye at pelikula, mag-acting workshop muna siya. Noon kasing bumalik siya sa showbiz at lumabas siya sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya…” ng ABS-CBN, walang dudang kinalawang na ang kanyang acting ability. Hayun, dahil mayroong grupong nagsusulong na sumikat siya, mayroon ding pumuri-puri na napakahusay raw niyang actor sa nasabing episode. Susmaryosep naman! Huwag tayong maglokohan!

Sobrang nabantilawan na ang kasikatan ni Cogie dahil lagi nga siyang nawawala. Balik siya nang balik, alis din naman nang alis. Baka nga sa pamamagitan ng Viva Films, may maganda pang mangyari sa kanyang career. Huwag din naman sanang sumunod si Cogie sa naging kapalaran ni Onemig Bondoc sa showbiz. Pareho kasi silang anak-mayaman, kaya hindi masyadong nag-click sa field na ito. Kasi nga, aanhin nila ang talent fee sa pag-aartista, samantalang kahit hindi sila umarte ay ang dami-dami nilang pera?

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING