Ruffa Gutierrez, todo-tangging nagpakasal na sila ng boyfriend na French-Arab businessman sa Paris

ADVERTISING

Ruffa Gutierrez, todo-tangging nagpakasal na sila ng boyfriend na French-Arab businessman sa Paris

Ruffa Gutierrez, todo-tangging nagpakasal na sila ng boyfriend na French-Arab businessman sa ParisHindi namin napapagkita si Ruffa Gutierrez sa mga showbiz functions unless part siya ng isang project. Dati kasi left and right ang attendance ng celebrity mom sa mga kaganapan na dinadaluhan niya.

Most of the time, based sa kanyang Instagram posting, palagi siya nagbabakasyon kasama ang boyfriend na Jourdan Mouyal.

Recently, kung may time siya from her taping sa kanyang Viva Entertainment teleserye with Claudine Barretto, heto’t tatakas siya sa Manila for a short vacation at isa na rito ay ang bakasyon nila ni Jourdan sa France na ang akala ng mga media ay nagpakasal na sila ng boyfriend.

“What? No, hindi totoo ‘yan,” natatawang reaction niya with match tatak Ruffa Gutierrez.

ADVERTISING

Kumakalat kasi ang tsika na ang main reason why pumunta sila ni Jourdan sa Paris para magbakasyon ay ang pagpapakasal nilang dalawa, at ang sightseeing nila based on Ruffa’s IG posting ay “honeymoon” na lang nila.

Kinulit namin si Ruffa at the advance screening of his brother Richard Gutierrez’ new pantaserye “Ang Panday”.

Tanong namin, “Is is true na nagpasakal kayo ni Jourdan in Paris?”

Sagot niya na walang kagatul-gatol: “Nooooo…! We ate French food and enjoyed the sceneries,” sabay halakhak ng celebrity mom.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING